CHAPTER 14
Maaga ako pumasok ngayon. Bago ako pumunta sa room, dumaan muna ako dun sa hallway ng bulletin boards, dinikit ko dun sa bulletin board ng music yung list ng mga nakapasa.
Nakalagay pa dun sa ilalim ng mga names: Please report to the Music Room during Student Activity Program time. Thank you.
Yeah. Dahil Wednesday ngayon, sa clubs kami lahat after lunch. Our school kasi also gives priority to extra-curricular activities of the students. Bali kapag Monday and Tuesday lang whole day ang classes. Kapag Wednesday, clubs. Kapag Thursday, PE at sports. Kapag Friday, Scouting or Civil training. Dami alam ng school naming noh? Hehe.
Pagdating ko sa room, wala pang tao. Salamat. Peace and quiet. :)
Nilabas ko yung book na binabasa ko. Hinahanap ko yung page na huli kong binasa nang may biglang pumasok.
“Good morning.”
“Ah. Good morning din,” sabi ko.
“Kanina ka pa dito?” sabi niya tapos umupo sa tabi ko.
“Medyo. Nagpost kasi ako nsa bulletin board ng result ng auditions.”
“Talaga? Meron na agad?”
“Oo. Kung gusto mo tingnan mo muna.”
“Sa may lobby yun diba?”
“Oo. Pangatlong bulletin board sa kanan.”
“Geh. Tingnan ko muna.”
Tapos lumabas na siya.
Kilala niyo na kung sino diba?
Oo. Si “fafa” Raven nga.
Maya-maya bumalik na siya sa room.
“Yes! Nakapasa ako. Yahoo!” sigaw niya pagpasok ng room. Eh may iba ng tao nun kaya napatingin yung iba naming classmates sa kanya.
“Member na ako ng Music Club!” sabi nya, tapos umupo na dun sa tabi ko.
“Congrats,” sabi ko tapos tumingin na ulit sa librong binabasa ko.
“Thanks. Whew. Di ako nakatulog kakaisip dun kagabi. Kinakabahan kasi ako eh.”
“Bakit naman?” tanong ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.
“Di ko alam. Para kasing gustung-gusto ko makasali sa club, kaya kinakabahan ako kasi baka hindi ako makapasa.”
“Don’t worry. Nakapasa ka na. Magpakatino ka lang para makatagal ka,” sabi ko then hindi na ulit kami nag-usap.
Raven’s POV
Ang aga ko nagising. Hindi ako masyado nakatulog eh. Naalala ko kasi bigla kagabi yung tungkol sa audition, eh baka hindi ako makapasa. Tsk. Disaster yun.
Pagdating ko sa school, kaunti pa tao. Akala ko nga ako pa lang tao sa room eh, kaso pagdating ko, may tao na pala.
Dun sa may pwesto namin.
Tricia! :)
“Good morning,” sabi ko.
“Ah. Good morning din,” sabi niya.
“Kanina ka pa dito?” tanong ko sakanya.
“Medyo. Nagpost kasi ako nsa bulletin board ng result ng auditions.”
“Talaga? Meron na agad?”
“Oo. Kung gusto mo tingnan mo muna.”
“Sa may lobby yun diba?”
“Oo. Pangatlong bulletin board sa kanan.”
“Geh. Tingnan ko muna,” sabi ko tapos lumabas na ko ng room.
Pacool pa ko nun, pero paglabas na paglabas ko ng room, nanakbo na ko papunta dun sa may bulletin boards. Buti wala pang tao. Hinanap ko yung sinasabi niya. Pangatlo sa kanan… hmmm. Ayun!
List of New Music Club Members.
Tingin tingin…
1. …………..
2. ………………
3. ……………
4. ……………
5. ……………..
6. …………..
7. Ray Arvin Montesa
Sandali.
7. Ray Arvin Montesa
NAKAPASA AKO!
“YES!!” napasigaw ako bigla.
Napatingin tuloy sakin yung dumadaan. Dyahe.
Nanakbo na ko ulit pabalik sa room. Wohoo. :D
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
Teen FictionThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)