i love you. you hate me. (chapter 3)

367 4 0
                                    

CHAPTER THREE

IN MY DREAMS

Raven's POV

Ang ganda mo talaga Tricia.

"Tricia!"

"Raven."

Tama ba yun? Tinawag niya ko?

"Raven. Raven!"

Tinatawag niya nga ako!

Teka, bakit...

Lumilindol?!

"Oi Raven! Raven! Gising! Raven!"

"Aaaaaaahhh!"

Sh*t. Panaginip lang pala.

Ha? Tricia? Bakit andito siya sa harapan ko?

"Oi. Gising ka na ba?" sabi niya.

"Ou. Nananagainip na pala ako. Lunch break na ba?"

"Oo tumayo ka na diyan."

"Ah. Salamat sa paggising ha. Kaantok kasi yung lecture kanina eh."

"Oi Isyang! Ano ka ba gutom na ko!" sigaw nung friend niya dun sa may pinto.

"Oo na po! Papunta na ko diyan!" sabi ni Tricia. "O sige una na ko ha. Maglunch ka na din." Tapos naglakad na siya palabas.

"Tricia wait!" sigaw ko.

Napalingon naman siya pati yung friend niya. "Bakit?"

Nanakbo ako papunta sa kanya. "Sama ko sainyo. Wala ako kasama e. Ok lang ba miss?" sabi ko dun sa friend niya.

"Oh sure. Sige sama ka! Ina nga pala," sabi niya.

"Ok. Thanks Ina. Tara treat ko," sabi ko.

"Ay gusto ko yan! Tara na let's go!" sabi ni Ina. Then naglakad na kami.

Tricia's POV

"Oh sure. Sige sama ka! Ina nga pala," sabi ni mahaderang Tinang.

Tiningnan ko siya ng masama.

Tumingin din siya sakin na para bang sinasabing "Bakit? Anong masama?"

"Ok. Thanks Ina. Tara treat ko," sabi bigla ni Raven.

"Ay gusto ko yan! Tara na let's go!" sabi ni Ina tapos hinila na ko papuntang canteen.

Nauuna kaming dalawa maglakad, pero nararamdaman ko na andun lang si Raven nakasunod samin.

"Tinang, papatayin kita. Bakit mo ba pinasama yan?" bulong ko kay Ina. Baka kasi marinig kami.

"Ano ba. Relax ka lang. Di naman sayo yan eh. Akin! Bwahahahaha!" sabi ni Ina. Ai bruha talaga to.

"Ewan ko sayo."

Habang naglalakad kami, grabe nagtitinginan yung mga babae samin. Paano ba naman eh may anghel dun sa likod namin. Grabe. Nakakahiya.

Pagdating naming sa canteen...

"O anung kakainin niyo? Pili na kayo," sabi ni ange... este ni Raven pala.

"Kahit ano," sabi ko.

"Kahit ano? Wala ata tindang ganun dito," sabi ni Raven.

Aba't pilosopo. Inirapan ko nga.

"Fried chicken na lang sa amin ni Tricia," sabi ni Ina.

"Sige ako na bibili. Upo na kayo," sabi ni Raven.

Ayun. Hinila ko na si Ina papunta dun sa bakanteng mesa.

Raven's POV

Inirapan ako ni Tricia.

Pero...

Ang cute pa rin niya! Haha. baliw na ata ako.

Ayun. Bumili na ako ng pagkain namin.

Tricia's POV

Umupo kami ni Ina dun sa bakanteng puwesto.

"Oi babae, bakit ka ba ganyan?" tanong sa akin ni Ina.

"Ha?" sabi ko.

"Bakit ka ganyan kay Raven?"

"Ha? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah. Ang tagal naman. Gutom na ko. Tss."

"Ayan na siya o. Raven dito!" sabi ni Ina tapos kumaway.

"Oi," sabi niya tapos nilapag yung tray sa mesa.

Since magkatabi kami ni Ina, dun siya umupo sa katapat namin kasi dun na lang vacant.

"O kain na tayo," sabi ni Raven.

Inabot ko lang yung binili niya tapos kumaen na ako.

"Raven, kuwento ka naman," sabi ni Ina.

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon