CHAPTER ELEVEN
THIS IS IT
"Hurricanes can't take away our love. Pyramid! We bui... oops. Sorry. May tao na pala dito. Ahh. Hi Trish!" sabi ni Ina. Sus. Si Cristina lang pala.
"Hi. Halika dito bruha tulungan mo ko," sabi ko sa kanya.
"Oh sure. Kanina ka pa dito? Hinahanap kita eh. Andito ka lang pa..." sabi ni Ina, then napalingon siya kay Raven na nakaupo dun sa sulok. "Ay sus. Andito pala si fafa Raven. Anong ginagawa niyo dito ha? Inaahas mo siya sakin! Taksil!" with matching acting pa yan ni Ina.
"Luka. Kanina pa ko dito no. Bigla na lang dumating yan."
"Talaga lang ha. Ui teka, may mga tao sa labas. Andiyan na ata yung mga mag-aaudition," sabi ni Ina tapos lumabas na siya.
Nakita ko naman na tumayo na si Raven. Kinuha niya yung gitara niya then lumabas. Baka makikihanay na din siya dun sa mga mag-aaudition.
Raven's POV
Grabe.
KINAKABAHAN AKO!!
Ano bang nangyayari sakin?
Lumabas na lang ako ng music room. Nandito na pala yung iba pang mag-aaudition. Madami na din pala.
"Ina!" tawag ko. Inaayos niya kasi yung pila ng mga mag-aaudition. Nung narinig niya ko, lumapit siya.
"O Raven, bakit?"
"Ah, paano ba pagkakasunod ng mga mag-aaudition?" tanong ko.
"Uy, mag-aaudition ka? Nice. Ah, sunod-sunod lang ata kung paano yung ayos niyo sa pila. Hanay ka na diyan para mabilis ka matapos. Sige, may aayusin pa ko dun. Goodluck!" sabi ni Ina then umalis na siya.
Ako naman pumunta sa likod. Hahanay na ko? ASA! Dun na lang ako sa likod. Magpahuli na lang kaya ako? Kinakabahan talaga ako eh!
Wew.
Inhale. Exhale.
Madami-dami din yung mga dumating pa. Kalimitan babae. Syempre, pinagtitinginan nanaman ako! Argh. Ang hirap talaga maging gwapo!
Pinapauna ko na lang sa hanay yung mga dumadating. Desidido na talaga ako na maging panghuli. At least wala ng tao nun. Late na din yun kaya uuwi na yung iba. Wala na kong audience. Bawas kaba. Bwahahaha. ;)
Narinig ko na pinapapasok na nila yung ibang mag-aaudition. Waah! Ayan na! Lalo akong kinabahan. :[
Itong mga nasa unahan ko daldalan pa ng daldalan. Parang wala lang eh! Pero siyempre hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako. Masisira ang cool image ko no. Hahaha.
"Next!" sigaw nung nandun sa may pinto. Tapos na agad yung nasa loob? Eh parang kasisimula lang nun ah.
Umuusod na yung linya. Papalapit na ko ng papalapit dun sa pinto. Naririnig ko na nga yung kumakanta sa loob eh. Yun namang mga lumalabas galing dun, di ko maintindihan ang expression ng mukha kung ayos lang ba o hindi. Nako naman. Ano bang ginagawa sa kanila sa loob?
Tatlong tao na lang yung nasa unahan ko. 3:30 na nung tumingin ako sa orasan ko. Malapit na magdismissal.
Napatagal ata yung pagtanga ko sa field at sa mga building, kasi nung sumigaw ng 'next' yung nandun as may pinto, AKO NA PALA YUNG SUSUNOD!
Grabe. Dumoble yung bilis ng tibok ng puso ko.
Relax Raven. Inhale. Exhale. Then pumasok na ko sa loob.
THIS IS IT!!!
Tricia's POV
Haaiy. Nakakapagod at nakakaantok umupo dito maghapon at manuod ng mga kumakanta. May mga maayos naman kumanta at maganda yung boses, pwede na ipasa. Kaso meron talagang bubuka pa lang yung bibig eh nasakit na ulo ko. Haha. Ang bad ko ba?
NAKAKASAKIT NAMAN TALAGA NG ULO EH!
Nauubos na yung mga pangalan dito sa listahan, pero yung may-ari ng pangalan sa dulo ng listahan hindi pa rin pumapasok dito. Ano na kayang nangyari dun? Nagback-out na kaya?
"Next!" sabi ni Tessa dun sa may pinto. Siya kasi yung tumatawag ng kasunod.
Hay. Ang sakit na po ng ulo ko Lord. Please, sana naman po kapasa-pasa na tong sunod na to.
"Ate Trish, last na yan. Wala ng tao sa labas," sabi ni Tessa. Yes! Hallelujah!
Then pumasok na siya.
SIYA.
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
Teen FictionThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)