i love you. you hate me. (chapter 7)

327 4 0
                                    

CHAPTER SEVEN

PHONES, CALL, PICTURE :)

"Oi uwian na!" Sigaw nung isa kong classmate. Kagulo na sa room, mga excited umuwi.

Pero tong katabi ko, nakatungo pa rin.

Inaayos ko gamit ko nung lumapit si Ina.

"Oi Isyang uuwi na tayo!" sabi ni Ina kay Tricia. Wala. Nakatungo pa rin si Tricia.

"Raven, anong nangyari dito sa katabi mo?"

"Ha? Ewan. Pagbalik niyo ng room ganyan na yan eh."

Tiningnan ni Ina si Tricia.

"Ay sus. Tulog! Oi Patricia gising! Uwian na!"

"Hmmm," sabi ni Tricia. Haha. Tulog nga!

Then may nagring na cellphone.

"Ui, excuse ha. Tumatawag si mommy. Raven, pakigising naman yan pakisabi uuwi na kami." sabi ni Ina. Then lumabas na siya ng room, may kausap sa phone.

"Tricia. Ui Tricia. Gising. Uwian na o. Tricia."

Hindi pa rin magising. Tapos bigla siyang humarap sakn. Grabe. Tulod na tulog. Ang cute nya matulog! Parang baby! Haha. Picturan ko nga.

[click]

Haha! Ayos to!

"Ui Tricia gising na!"

Then ayun, naalimpungatan na ata.

"Ui gising ka na diyan uwian na. Uuwi na daw kayo ni Ina."

Tricia's POV

"Ui Tricia gising na!"

Huh?

"Ui gising ka na diyan uwian na. Uuwi na daw kayo ni Ina."

Sino to.... si Raven?!?

Nakatulog ako?

Pagtingin ko sa relo ko, 4:10 na. Uwian na nga!

"Nakatulog ba ko?"

"Oo. Kanina ka pa ginigising diyan. Uwian na."

"Si Ina?"

"Andun sa labas may kausap sa phone."

"Ah. Ok. Salamat nga pala sa paggising." Then inayos ko na yung mga gamit ko.

"Sige. Una na ko. Ingat paguwi." Tapos umalis na si Raven.

Maya maya, pumasok ng room si Ina.

"Ui Tricia, susunduin daw ako ni mommy. May pupuntahan daw kasi kami. On the way naman yung house niyo, gusto mo sabay ka na lang samin?"

"Ha? E, wag na. Uwi na lang ako mag-isa."

"Sure ka? O sige. Una na ko. Ingat ka ha."

"Sige, kaw din. Bye!"

"Bye Isyang!" sigaw ni Ina habangnananakbo palabas. Andiyan na siguro yung sundo niya.

Since ako na lang yung tao sa room, ako na yung nagsara ng mga ilaw at pinto.

Malapit lang naman yung amin kaya oks lang lakarin.

Palabas na ko nun ng gate nung may nakita akong nakatayo sa harap ng isang building. Lalaki. Matangkad ha. Pagtingi ko,

Si Raven pala.

Binilisan ko lakad, baka makita pa ako eh.

Patricia bilisan mo!

"Tricia!"

Ooops. Nakita ako. Bad.

Paglingon ko, papalapit na siya sakin. Nako naman o.

"Ah, Hi." nasabi ko nalang.

"Uuwi ka na? Saan na si Ina?"

"Ah. Sinundo eh. Geh ha una na ko."

"Ah wait!"

"Bakit?"

"Sabay na tayo."

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon