i love you. you hate me. (chapter 10)

338 4 0
                                    

CHAPTER TEN

HER SONG

"Oo," sabi ni Raven.

"Ah. Ok," nasabi ko na lang.

"Bakit? May dala nga ako gitara e. Pwede ba to gamitin mamaya?" sabi niya.

Tsaka ko lang napansin na may dala nga siyang gitara. Totoo nga na mag-aaudition siya! Sus.

"Ha? Ah. Oo, ok lang yan. Mamaya audition, after lunch," nasabi ko na lang.

"Ah. Ok. Salamat."

Ano naman kayang kakantahin nito?

Lunch break na. Tinatamad ako kumain. Dumerecho na lang ako sa music room. 12:20 pa lang naman. Mamaya pang 1pm magsisidatingan yung mga mag-aaudition. Yun kasi yung inannounce namin na time.

Umupo ako dun sa harap ng piano. Then I just found myself playing and singing that song...

Raven's POV

Lunch break na! Malapit na mag-audition! Sa sobrang kaba ko wala na kong gana kumain. Naisipan kong pumunta na sa music room. Wala pa naman sigurong tao dun. Makakapagpractice pa ko. Kinuha ko na yung gitara ko then lumabas ng room.

Sa kabilang building yun eh, sa second floor. Yung unang room pagkaakyat mo ng hagdan. Nakita ko na walang tao sa labas. Wala pa yung mga mag-aaudition. Ayos!

Papasok na sana ko nang narinig ko...

WOW.

Ang galing! May tumutugtog ng piano sa loob. Kumakanta pa... nakakainlove yung boses!

"Some people want diamond rings. Some just want everything. But everything means nothing, if I ain't got you, you, you. Some people want it all, but I don't want nothing at all..."

Bridge na yung kinakanta niya kaya feel na feel ko talaga yung song. Grabe kinikilabutan na ko.

Kaso bigla siyang tumigil.

"May tao ba diyan?!" sigaw nung tumutugtog sa loob. Grabe ang lakas naman ng pakiramdan nito!

Quiet ka lang Raven. Shhh.

"May tao ba diyan?!" tanong niya ulit. Then may narinig akong footsteps papalapit sa pinto. Nako. Patay! Raven, takbo!

Oi! Bakit ayaw mo pa tumakbo? Di ko magalaw paa ko. Siguro gusto malaman ng paa ko kung sino yung nasa loob ng music room.

Then bigla bumukas yung pinto.

"Di mo ba alam na masama mag-eavesdrop?" sabi nung babae sa loob. Teka...

TRICIA?!?!

Siya pala yung nasa loob! Grabe. The best!

"Ah.. Sorry.." yun na lang nasabi ko.

"Raven?!"

Tricia's POV

Matatapos na yung kanta ko. Then...

Feeling ko may nanunuod sakin.

So I stopped.

"May tao ba diyan?!" I asked. Walang sumasagot.

"May tao ba diyan?!" tanong ko ulit. Wala pa ring sumasagot kaya lumabas na ko para tingnan kung may tao nga. Bahala na kung mapahiya.

"Di mo ba alam na masama mag-eavesdrop?" sabi ko pagkabukas ko ng pinto.

May tao nga.

"Ah.. Sorry.." nasabi na lang nya. Teka...

"Raven?!"

"Ah. Sorry talaga. Di ko naman sinasadya eh. Magpaprak..."

"Don't bother explaining. It's ok. It's just that I don't want anyone watching me," sabi ko. Wow. Nosebleed. >.<

"Ah. Sorry talaga. Pero bakit ayaw mo na pinapanuod ka? You have a really nice voice. Magaling ka din magpiano,' sabi ni Raven.

Di na lang ako sumagot.

"Ah. Ok lang ba ko dito?" tanong niya

"Everyone's welcome here. Mag-aaudtion ka naman diba? Masyado ka lang ata excited."

"Ah. Yun ba kala ko kasi walang tao dito eh. Magpapractice sana ako."

"Ah. Sige. Alis muna ko. Iwan na kita dito..."

"No. Stay."

Napatingin na lang ako sa kanya. He was looking at me, then he looked away.

Pumunta na lang ako dun sa may table at inayos yung mga papers for the audition. Nung tiningnan ko si Raven, nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa dingding, nakatungo. Katabi nya yung gitara niya.

Nagulat na lang ako nung may biglang pumasok sa music room.

-----------

wahhh! anu ng ngyari sa audition??

ms. author naman lagi nyo kami binibitin ehh.. tss..

-----------

thanks po sa mga sumusuporta sa i love you, you hate me. :)

abangan po natin kung ano ng mga susunod na kaganapan..

pasensya po mejo matagal po magupdate. busy po eh..

continue reading and supporting po.

comment and vote dn po tayo. :)

thanks! Godbless. :D

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon