i love you. you hate me. (chapter 6)

328 4 0
                                    

CHAPTER SIX

HIM

Tricia's POV

Ayun. Natapos din kami maglibot sa school. Pumunta kami sa music room para mag-meeting at iscreen kung sinu-sino yung mga naglista ng pangalan nila para sa audition.

Umupo ako sa isang tabi tapos tiningnan ko yung mga pangalan.

Nung yung listahan na ng section namin yung tiningnan ko...

What?!

Huling-huli sa listahan:

Raven Montesa

Totoo ba to? Ang ganda ng sulat. Parang babae! Hindi kaya pinagtripan lang nila si Raven?

Nako. Bakit ba ako affected?

Nung matapos na kami, dinismiss ko na yung meeting.

Then bumalik na kami sa room. Pagtingin ko sa relo ko, 3pm na. Dahil Monday nagyon, maaga uwian. Yes, 1 hour na lang! :)

Pagdating ko sa room, wala si ma'am. Nagbubunyi ang mga kaklase ko. Naglalakad ako papunta sa upuan ko nang napansin ko, bakit ang daming babae dito?

Ah. Andito nga pala si Raven.

"Ah. Excuse me Raven, pwede mo bang paisudin yang mga fans mo? Nahaharangan kasi yung upuan ko eh. Salamat," sabi ko sarcastically.

"Ganun ba? Sige girls mamaya na lang ulit ha." sabi ni Raven.

Ayun. Nag-alisan na yung mga babae. Hay salamat makakaupo na ko.

Tumungo ako dun sa desk ko. Ang sakit ng ulo ko e. Nakakapagod pala maglibot sa school.

Raven's POV

[riiing]

Ay salamat. Bell na. Last period na. Malapit na mag-uwian! Yey!

Maya-maya may biglang sumigaw na kaklase ko, "Hoy absent daw si ma'am!"

Nagsigawan na din yung mga classmate ko. Tuwang tuwa at walang teacher eh. Haha.

Kinuha ko na lang yung notebook ko tapos nagdrawing ulit.

Feel na feel ko magdrawing, tapos bigla akong may narinig na bulungan dun sa may likod ko.

"Ikaw na lumapit!"

"Eeeeh. Nakakahiya!"

"Dali na!"

Paglingon ko, may mga babae dun sa likod ko.

"Ah, hi Raven!" sabi nung isang girl. Si Barbie ata yun, classmate din namin. Cute siya. Maputi. Maliit. Ahh.. Okey?

"Uh, hi," sabi ko. Tapos nagdrawing na ulit ako. Kaso...

"Hi Raven pwede ba makipagkwentuhan?" tanong nung iba pang babae na kasama niya. Dinumog na ko. Patay.

"Ah. O Sige." Wala na kong magawa eh.

"Saang school ka galing?" tanong nung isa.

"Ah. LSCA."

"Bakit ka lumipat?"

"Ah. Parents ko kasi nalipat ng workplace."

Blah. Blah. Blah.

Dami nila tanong. Sagot na lang ako ng sagot kahit wala na akong maintindihan. Haha.

Then may narinig ako na pumasok ng room. Bumukas yung pinto eh. Di ko lang makita kasi nakaharang tong mga babae, nakapalibot ba naman sa akin. Akala ko nga teacher yung pumasok e kaso hindi kasi hindi pa rin umaalis tong mga to.

"Ah, excuse me."

Napalingon kami lahat. Sino yun?

"Ah. Excuse me Raven, pwede mo bang paisudin yang mga fans mo? Nahaharangan kasi yung upuan ko eh. Salamat," si Tricia pala yun! Nako mukhang badtrip nanaman sa mundo. Teka.

"Ah. Ganun ba? Sige girls mamaya na lang ulit ha."

"Sige Raven, Bye!" sabi nung mga girls. May nagflying kiss pa. Pacute eh. Kinikilabutan ako.

Tapos umupo na sa tabi ko si Tricia. Ako nagdrawing na lang ako ulit.

Nung napalingon ako sakanya, nakita ko na nakatungo lang siya. Kami na ata ang pinaka tahimik na tao sa room kasi yung iba naming classmates tawanan ng tawanan. May naglalaro, etc.

Ako drawing drawing lang.

[riiing]

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon