CHAPTER 17
Raven's POV
Di ako makapaniwalang nagawa kong yayain si Tricia maglunch. At pumayag siya! Gusto ko magtatalon sa saya. Uy, ang cheesy. Haha.
Nilingon ko tong katabi ko. Hahaha. Nakakatawa itsura niya. Mukha kasing nagtutukatok na. May kinuha ako sa bulsa ko. Isa sa mga secret weapon ko na pampawala ng antok.
"Gusto mo ng candy?" sabi ko sa kanya sabay abot. "Pampawala ng antok. :)"
Kinuha nya yung candy sakin.
"Salamat. Kelangan ko yun," sabi niya sakin tapos ngumiti.
WHOA.
Ngumiti si Tricia? Dahil sa candy? Ngumiti siya for real? Grabe. Sinusuwerte ata talaga ako ngayong araw na to. :DD
Ahmm. Nakatulala na pala ko sa kanya. Nakakahiya. Humarap na lang ako sa blackboard.
"Wala yun. Mamaya ha," nasabi ko na lang.
Excited ako! Yehey! XD
---
[riiiing]
LUNCH BREAK NA!
May lunch date kami ni Tricia. Haha. Feeler. Date daw.
Kaso nakita ko palabas na siya ng room kaya tinawag ko siya.
"Tricia!"
Napalingon tuloy siya. Nung nakita niya ko parang may nakalinutan siya na bigla niyang naalala.
"Ay! Sh*t. Oo nga pala. Lunch. Hmm. May gagawin pa kasi ako sa music room eh. Puwedeng next time na lang?" sabi niya sakin.
"Ano bang gagawin mo? Tulungan na kita," sabi ko.
"Aayusin ko lang yung mga upuan sa music room para sa club time mamaya."
"Tulungan na kita. Tapos kung gusto mo, dalhin ko na lang yung lunch dun, dun na lang tayo kumain?" sabi ko. Sana pumayag. Sana pumayag. Please. Please?????
"Hmmm. Ok."
YESSS!!
"Ok lang ba na umuna na ko dun? Di na kita masasamahan bumili. Sunod ka na lang dun. Ok lang?" sabi niya.
"Yeah sure."
Tapos umalis na siya.
Ako pumunta sa canteen. Pagkabili ko ng food, nanakbo na ko papunta sa Music room. Baka nagugutom na ang prinsesa ko eh. Yiii. Sobrang cheesy talaga! :">>
Pagdating ko dun, nagwawalis si Tricia.
"Mamaya na yan. Kain muna tayo," sabi ko kaya napatingin siya.
"O. Andyan ka na pala," sabi niya tapos pumunta dun sa may table. "Dito na lang tayo."
Lumapit ako tapos nilagay yung food sa mesa. Ayun. Tahimik lang kami kumakain dun.
"Nakita mo ba si Ina pagpunta mo sa canteen?" tanong niya bigla.
"Ha? Ah. Oo. Niyaya ko nga eh. Kaso may gagawin pa daw siya," sabi ko. Haha. Di nya alam kasabwat ko si Ina dito. Hehehe. >:D
[FLASHBACK!]
Nanakbo na ko palabas ng room dala yung bag ni Tricia. Dadalhin ko sa music room. Paakyat na ko sa hagdan nung nakita ko si Ina sa labas. Sa kanya ko na lang ipapabigay yung bag.
"Ina!" tawag ko sakanya kaya napalingon siya sakin.
"O Raven, akala ko umuwi ka na?"
"Pauwi na nga ako. E naiwan to sa room. Pakibigay na lang," sabi ko tapos inabot sa kanya yung bag. "Geh una na ko." Paalis na dapat ako kaso...
"Raven!" tinawag ako ni Ina. Tapos lumapit siya sakin.
"Bakit?"
"Pwede magtanong?" sabi niya.
"Ano yun?"
"May gusto ka ba sa bestfriend ko?"
Sasabihin ko ba?
Lumigon ako sa paligid bago sumagot. Baka may makarinig eh.
"Yah. I like Tricia. But don't tell her! Please?"
"Ok. Mabilis naman ako kausap... Kapag busog. Hehe," sabi niya.
"Whew. Kala ko sasabihin mo na eh. Secret lang natin yun ha. Bukas ko na lang kayo lilibre. Recess?"
"Ok! Geh. Akyat na ko ulit. Ingat ka paguwi!" sabi ni Ina tapos pumunta na siya ng music room.
[END OF FLASHBACK]
Kaya nga natatawa ako kay Ina kaninang recess kasi painosente pa siya nung sinabi kong lilibre ko sila. Kulit talaga nun. Tapos kanina habang naglalakad kami pabalik sa room nung after recess...
[FLASHBACK]
"She really looks bothered," sabi ni Ina kaya napatingin ako sakanya.
"Ha?' sabi ko.
Tinuro niya si Tricia. Oo nga. Mukhang masyado siyang affected dun sa Felicity na yun.
"Mortal enemies ba sila?"
"Hindi ko alam. Halos lahat naman kasundo nyang si Tricia. War-freak at issue maker lang talaga yung si Felicity."
"Mukhang masisira ang diskarte ko. Ako ata sinisisi niya dun sa nangyari kanina eh." sabi ko.
"Hindi yun. She didn't mean what she said kanina. Wala sa ugali ni Trish manisi ng kapwa. Mas gusto pa niyang siya ang mapasama kesa iba."
Nilingon ko ulit si Tricia. Nakatulala parin siya.
"Yayain mo maglunch mamaya," sabi bigla ni Ina.
"Ha? Baka hindi sumama yan"
"Di mo malalaman kung hindi mo susubukan. :)"
"O sige. Sama ka?" tanong ko.
"Hindi no. Sabihin mo pa istorbo ako. Next time mo na lang ulit ako ilibre," sabi ni Ina kaya nagtawanan kami.
[END OF FLASHBACK]
Kaya eto ako ngayon. Kasama si Tricia sa music room. Nako. Kelangan ko nanaman ilibre si Ina dahil dito. I have to thank her. :)
"Tapos ka na ba? Tara ayusin na natin yun," sabi ni Tricia tapos tinuro yung mga upuan.
"O sige. Ligpitin ko lang tong kinainan natin."
Tumango siya at pumunta na dun sa mga upuan.
Pagkatapos ko itapon yung mga pinagkainan namin. Tinulungan ko na siya mag-ayos dun.
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
JugendliteraturThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)