i love you. you hate me. (chapter 15)

111 1 0
                                    

CHAPTER 15

Tricia’s POV

Ang boring ng subjects ngayon. Itong katabi ko hindi ko alam kung nakikinig ba o hindi. Nagcocontest na nga ata kami ng paghikab eh.

ANG BORING NAMAN KASI!

[riiiing]

“Hay salamat. Recess na,” narining kong sabi ni Raven tapos nag-unat siya, yung parang bagong gising.

Pagkalabas nung teacher, lumapit sakin si Ina.

“Tara sa canteen. Libre mo ko. :))” sabi ni Ina.

“Libre ka dyan! Ikaw na lang!” sabi ko.

“Hmp. Damot!” sabi ni Ina. Paalis na sana siya nung biglang nagsalita si Raven.

“Teka Ina.”

“Bakit?” tanong ni Ina.

“Tara sa canteen. Lilibre ko kayo,” sabi ni Raven.

“Lilibre mo ulit kami? Baka masanay na kami nyan ha,” sabi ni Ina.

“Haha. Gusto ko lang manlibre. Nakapasa kasi ako sa audition,” sabi ni Raven sabay tingin sakin tapos kindat. Baliw talaga eh.

“Talaga? May results na agad?” tanong ni ina sakin kaya tumango ako. “Congrats Raven! Tara! Let’s celebrate,” sabi ni Ina tapos kumapit sa braso namin at hinila kami papunta sa canteen.

Habang kumakain, pinagtitripan ako nung dalawa. Magkatabi kasi sila tapos ako mag-isa dun sa tapat nila. Ewan ko ba dito sa mga to, may sapi ata. Ako pa napagdiskitahan.

“Trish, ang cute mo,” sabi ni Ina.

“Hindi siya cute. Maganda kaya,” sabi naman ni Raven.

“Maganda? Ako yun eh!” angal ni Ina.

“Saang banda?” asar ni Raven kay Ina.

Haha. Baliw tong si Raven. Bigla sumimangot si Ina kaya napatawa tuloy ako.

“Bakit mo ko tinatawanan? I hate youuu!” sabi sakin in Ina.

“E kasi maganda ka!” sabi ko.

“Talaga?” Parang nabuhayan ng loob si Ina.

“Joke lang! Hahahaha. :D”

Ayun. Tawa kami ng tawa dun. Parang mga baliw lang. Tapos may biglang lumapit sa table namin.

“Look who’s trying to be cool.”

Argh. Si Felicity. Yung classmate naming drama queen. Kasama pa yung mga alagad niya.Ano naman kayang problema nito ngayon?

“What do you want now, Felicity?” tanong ko sa kanya.

Di niya ko sinagot, instead, she looked at Raven.

“Raven, you don’t have to hang out with those losers. I’m sure napipilitan ka lang sa kanila. You can join us anytime you want,” sabi niya with matching beautiful eyes. Di naman beautiful. Yuck.

“I have fun with them. Ako pa nga may gusting sumama sa kanila. And besides,” tiningnan ni Raven si Felicity mula ulo hanggang paa, “I don’t know you.”

Suplado din pala tong si Raven. Nagkatinginan kami ni Ina at nagpipigil kami ng tawa. Halata kasi sa mukha ni Felicity na napahiya siya.

“Argh. Shame on you, Raven. You don’t know who the cool kids are. You’ll regret this. Girls, let’s go!” sabi ni Felicity tapos umalis na siya kasama yung mga alagad niya.

“Who the hell was that?” tanong ni Raven.

Raven’s POV

Parang. Duh. Sino ba siya?

“Si Felicity, a.k.a Drama Queen. Di mo talaga siya kilala?” sabi ni Ina.

“Hindi. She’s not that noticeable,” sabi ko. Syempre. Si Tricia lang naman nakikita ko noh. Yii. Cheesy.

“Ay. Like ko yan. Try mo sabihin sa kanya yan, magwawala yun for sure,” sabi ni Ina.

“Eh bakit parang ang laki ng galit niya sa inyo?” tanong ko.

“Because of me,” sabi bigla ni Tricia.

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon