CHAPTER TWO
IKAW
Raven's POV
Lumabas ng room sila Tricia. Takte nakita ako ung friend niya na nakatingin ako kay Tricia. Buhay nga naman oh.
Maganda si Tricia. Matangkad pati. Pang beauty queen! Sus ang korni ko. Kaso bakit ganun, parang man-hater pa ata. Don't worry. May plano ako.
MISSION: Make Tricia Delos Reyes notice me.
Tapos tumutugtog yung kanta ng James Bond sa utak ko. Haha. Adik!
Tricia's POV
Feeling ko uminit yung mukha ko kaya niyaya ko si Ina sa CR. Naghilamos ako tapos humarap sa salamin sabay bulong, "Kaya mo yan Tricia. Wag mo na lang siya pansinin."
MISSION: Ignore Raven Montesa.
Tapos narinig ko na nagbell na ulit kaya niyaya ko na si Ina pabalik ng room. Bumalik na ako dun sa upuan ko. Ignore. Ignore. Ignore.
Raven's POV
Ayan na si Tricia. Pansinin mo ko. Pansinin mo ko. Pansinin mo ko pleeeease??
Tricia's POV
Umupo lang ako. Kumuha ako ng libro tapos nagbasa. Nakatungo lang ako nun pero feeling ko may nakatingin sa kin. Paglingon ko...
F*CK.
Si Raven. Nakatingin. Nakangiti pa ang walanghiya. Jusko po naman.
"May kailangan ka ba Mr. Montesa?"
"Raven na lang. Masyado ka namang pormal eh."
"Ok. Whatever."
Tapos nagbasa na ako ulit. Habang nakatungo ako. Sinilip ko siya.
Guess what.
Nakatingin pa rin.
Kaasar na ha.
"Raven, ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
Watda?!
Raven's POV
"Ano bang gusto mo?" tanong ni Tricia sakin.
"Ikaw," nasagot ko. Oops. P*t*ng*na. Raven ang tanga mo! Cool ka lang. Lusutan mo yang ginawa mo.
Nakita ko nakatingin lang siya sakin. Ang ganda talaga eh! Woo!
"Ah, I mean, ikaw, anu bang gusto mo?" sabi ko na lang. Palusot e!
"Gusto ko magbasa."
"Nagbabasa ka na ah."
"Gusto ko magbasa nang walang nakatingin sakin. Pwede ba wag mo ko tingnan? Di mo ba alam na it's rude to stare?" sabi niya bigla.
Nako. Patay. Buking ako.
"Di kita tinitingnan ha." Sabay tingin sa unahan. Grabe nakakahiya. Ai salamat andyan na pala si ma'am.
"Bahala ka na nga," sabi niya sakin sabay talikod.
Arrrgh! Kulet mo kasi Raven.
Tricia's POV
Ano kayang problema nitong lalaking to? Hmf. Bahala ka dyan. Ayon. Tinalikuran ko na.
Ay salamat andyan na si ma'am.
Ayon. Naglesson lang. Katamad nga eh.
[fast forward]
[riiing]
Salamat lunch break na! Makakalayas na ko dito sa katabi ko.
"Oi Isyang tara na gutom na ko!" sabi ni Ina.
"O cge. Teka ayusin ko lang gamit ko."
"Sige antay kita dito sa corridor. Bilisan mo ha!" sabi ni Ina tapos lumabas na siya ng room.
Inaayos ko gamit ko nang bigla akong napalingon kay Raven. Nakasubsob sa desk. Abah. Ano to?
Nilapitan ko. Pagtingin ko...
Tulog!
Wew. May angel!
Ang gwapo eh. Mas maganda pa ata yung mukha niya kesa sakin. Ang kinis!
E alangan namang iwan ko to, eh d ginising ko. Niyugyog ko ung balikat niya.
"Raven. Oi Raven gising!"
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
Teen FictionThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)