CHAPTER EIGHT
WALK TO REMEMBER...?
"Sabay na tayo," sabi ni Raven
"Ah, wag na. Malapit lang naman yung amin eh." Nako. Wag kang papayag!
"Diyan lang din naman yung amin eh. Maglalakad lang din ako. Saan ka ba?"
"Sa East."
"E? Dun kami lumipat. Haha. Nice. Saan kayo dun?" Anong nice dun?
"Sa block 8"
"O dun kami sa 9. Una madadaanan yung sa inyo. Tara sabay na tayo."
"Ah. Ok." No choice na eh.
Naglalakad lang kami. Tahimik. Walang nagsasalita.
Raven's POV
Pag sinuswerte ka nga naman o. Malapit lang pala kami kela Tricia. Magkasabay pa kami maglakad ngayon. Nice one bro. XD
Ang tahimik. Walang nagsasalita sa amin.
Block 8 na. Bigla siyang tumigil.
"Ah. Dito na ko. Salamat sa pagsabay."
"Ah. La yun. Geh."
Tapos papasok na sya ng bahay nung bigla ko siyan tinawag.
"Tricia!"
Napalingon tuloy siya. "A, bakit?"
Takte bakit ko nga ba siya tinawag? Baliw ka nanaman Raven.
"Ah. Gusto mo sabay ulit tayo bukas?" Sh*t Raven ano ba yan?
Tricia's POV
"Ah. Gusto mo sabay ulit tayo bukas?" sabi ni Raven.
Ano daw?!
"Ha? Ah. Eh. Wag na. Hinahatid pati ako ni mommy pag umaga." Kahit hindi.
Nako. Ayaw kita kasabay! Ngayon nga ayaw ko na diba? Maissue pa ko dahil sayo.
"Ah. Ganun ba. Sige. Una na ko. Bye."
"Geh. Inga...." asan na yun? Nawala agad? Bilis naman nung maglakad. Ah. bahala na nga. Pumasok na ko sa loob ng bahay.
Raven's POV
"Ha? Ah. Eh. Wag na. Hinahatid pati ako ni mommy pag umaga." sabi ni Tricia.
Aw.
"Ah. Ganun ba. Sige. Una na ko. Bye." Ouch. Basted ako. Ayaw magpasabay. Tsk.
Akala ko pa naman memorable na tong araw na to. Di parin pala. Bnilisan ko na lang lakad ko paguwi.
Pagkadating ko sa bahay, umakyat agad ako tapos nagbihis.
Nakahiga ako nun sa kama ko. Bigla ko naalala...
May audition pa nga pala bukas!
Nako. Ano ba yan. Anung kakantahin ko?
Binuksan ko yung TV. Nilipat ko sa Myx naghihintay ako ng maayos na kanta.
Then may biglang tumugtog. Eto na yun!
Nagsearch ako sa internet ng chords at lyrics.
Kinuha ko yung gitara ko and nagpractice ako.
"Mic test, mic test." Baliw na ko. Iniimagine ko na nagaaudition na talaga ako.
Haha.
Sigurado kong mapapansin na ko ni Tricia ngayon. I'll make sure Ms. Delos Reyes notices me this time. Bwahaha.. ;))
to be continued.
ano kaya yung kakantahin ni raven?
mapapansin na kaya siya ni tricia?
abangan! :)
BINABASA MO ANG
I love you, You hate me.
Genç KurguThis is the series of Raven and Tricia's love-hate story. comment. vote. and continue reading and suppporting. thanks! God bless. :)