i love you. you hate me. (chapter 9)

353 4 0
                                    

CHAPTER NINE

AUDITION

Tricia's POV

Pagkahatid sakin ni Raven sa bahay, parang, wala lang. Wala talagang "kilig factor" eh. Di ako katulad nung mga kaklase ko na halos maglupasay na kay Raven. Kung sila siguro yung hinatid sa bahay, baka magpakamatay na yung mga yun. Haha. OA ba?

Umakyat na ko sa kwarto at nagbihis. Pagbaba ko ulit, andun si mama sa kusina.

"O anak, andyan ka na pala. Kamusta school?"

"Ok lang po. Hmmm. Ang bango! Luto na po ba yan? Gutom na ko mama!"

"Sus. Kaw talagang bata ka. O siya kumain ka na o.."

Adobo! My peborit.. :)

Pagkatapos ko kumain, umakyat na ko ulit sa kwarto ko. Gumawa ako ng assignments ko, which is very unusual. *nosebleed* Haha. Tamad kasi ako kaya nakokontento na lang ako sa pangongopya. (Mga bata. Masama yun. Wag gagayahin.) Pero ngayon sipag-sipagan mode ako. Yee. XD

Tapos na ko gumawa ng assignment. Nakahiga na lang ako sa kama nun, nagpapaantok habang nagsasoundtrip. Pakanta-kanta pa ko nun, "Sorry, sorry, sorry, sorry, naega micha micha beybeh! Woo!" kahit hindi ko naiintindihan (SuJu fan si Ms. Author. Hehe. :) ), nang biglan ko naalala...

MAY AUDITION PA NGA PALA BUKAS!

Anak ng... aayusin ko pa nga pala yung schedule! Tss.

Hmm. Ano kayang magandang schedule ng audition bukas? Tiningnan ko ulit yung list. Madami rin palang mag-aaudition. After lunch na lang siguro kami magstart. Hanggang last period na yun. Haha. Ayaw ko umattend ng klase eh. Haha. Bad.

Binuksan ko yung computer then gumawa ako ng letter of permission namin. Ang sipag ko talaga ngayon! Dati pag ganito itetext ko lang sa secretary ko na gumawa siya ng letter eh. Ngayon, eto ko o, nagtatype! Haha. Pnrint ko na yung letter then nilagay ko sa bag ko. Then natulog na ko.

Tomorrow is another day...

Maaga ako pumasok kinabukasan. Kelangan ko pa kasi pumunta sa adviser ng music at sa principal para maapprove yung letter namin. Salamat naman at wala na silang inusisa pa at pinirmahan na lang.

Pagpunta ko sa classroom, kaunti pa lang tao. Maaga pa naman kasi.

Dun ulit ako sa "corner" ko, dala ang favorite kong libro. Magbabasa ako as usual! XD

"Hi Isyang!"

AY KALABAW!

"Cristina naman o! Sabi ng wag manggugulat! E kung atakihin ako sa puso?"

"Sus. OA mo naman," sabi ni Ina then tumabi siya sakin. "Ano ba yang binabasa mo? Tell Me Your Dreams nanaman? Di ka na nagsawa diyan eh!"

"Wapakels."

"Hmf. Sungit!" sabi ni Ina then tumayo na.

"Ui teka lang. Wag ka umalis," sabi ko tapos tumayo din ako. Kinuha ko yung letter sa bag ko then pinakita ko sa kanya since officer din siya ng music.

"Mamaya pang after lunch? Ang tagal naman! Dapat ngayon na!" sabi ni Ina. Demanding ang luka.

"Baliw. E di hindi naman naapprove yan? Basta mamaya ipatawag mo na lang sila ha. After recess. Kakausapin ko pa kayo."

"Opo ma'am!" sabi ni Ina tapos bumalik na siya dun sa pwesto niya sa unahan. Ako naman umupo na sa upuan ko. Dito na lang ako magbabasa.

"Good Morniiiiing!!!!"

Ang ingay! Sino ba yun?

May naglalakad papunta dito...

"Hi Tricia."

Sino pa ba?

Eh di si RAVEN yung crush ng bayan.

"Ah. Hi." Yun lang sabi ko.

Umupo na si Raven dun sa tabi ko.

Naalala ko yung audition. Nakalista nga pala siya dun. Mag-aaudition kaya talaga siya? Tanungin ko kaya? Eh. Wag na... Tanungin mo na kasi! Ayoko nga!

"Raven," sabi ko. Kita mo, kakausapin mo din pala.

Tumingin siya sakin. Nagulat ata at kinakausap ko siya. "Bakit?"

"Ah. Nakalista ka kasi dun sa music. Mag-aaudition ka ba?"

"Oo."

I love you, You hate me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon