Picture 1.2: Battle of the Band
Agad akong tumakbo pabalik ng school. Sa gymnasium na ako dumiretso dahil dito gaganapin ang contest. Inihagis ko sa kung saan ang dala kong bag, mabigat kasi, at tumuloy ulit sa pagtakbo.
Alam ko na kung bakit natalo kami dati. Someone sabotaged us. Noong oras na nasa gitnang part na kami ng kanta ay biglang nag-brown out. Ten minutes na ang lumipas bago nagkakuryente ulit. At dahil doon ay iniwan kami ng mga judges. At ngayon nga, pipigilan ko ang gustong sumabotahe samin—ng mag-isa. Ayokong may madamay pang iba sa gagawin ko. I will stop them!
At dahil hindi ako makakauwi, nakisuyo ako kay Zacharias na kuhain ang damit na isusuot ko mamaya sa bahay through text message. Kakasend ko pa lang ng text sa kaniya ay may reply na agad siya. Hindi na ito nagtanong ng kung anu-ano pa at sinabihan lang akong mag-ingat.
Hindi ko na siya nireplayan at nagpatuloy na ulit sa pagtakbo. Kailangan kong mahanap ang main switch ng gymn na 'to dahil kung hindi, dead end ko na.
Habang paikot ikot ako sa gym ay panay rin ang pag-vibrate ng phone ko. Si Zacharias. Sigurado akong nag-aalala na siya sa 'kin ngayon. Ni-replayan ko na siya ng matigil na sa kakatext kahit hindi ko pa nababasa mga message niya. And I switched it off.
Taeng 'yan. Nasaan na ba 'yong switch na 'yon? Nagpahinga muna ako saglit. Napapagod na ako. Nabawasan na naman ako ng taba sa katawan kakatakbo.
"T*nga! 'Yan na nga 'yong switch!"
Switch? Here they are! Mukhang nakita ko na ang may sala. Mabagal akong naglakad papuntang men's locker room. Pinulot ko ang kahoy na nadaanan ko at sinipa ang pinto ng locker room. Feeling gangster ang ate niyo!
"Bulaga!" Sabi ko sa kanila habang nakangiti ng 'nakakatakot'.
Nakangangang napatingin sa 'kin ang apat na lalaki. No doubt, they were from 1C class, the last section. So, sila pala ang dahilan ng lahat. At anong problema nila sa 'min bakit gusto nila kaming sabutahin?
"Riley?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa dilim. Si Jam. At... siya ang crush ko noong mga panahon na ito. Ang corny ko talaga.
"So, you're one of them?" I asked while staring at him with cold eyes.
"What are you doing here?" He asked.
"It's none of your business!" I shouted and I run through them.
Ihahampas ko na sana sa kaniya 'yong kahoy nang bigla niyang pigilan ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Ano nga ba nagustuhan ko sa taong 'to dati? Because of his looks? I'm so stupid for looking in physical appearance. I should known from the beginning that he's an evil.
Napasigaw ako sa sakit ng may biglang humampas sa likod ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. Tae naman talaga! Babae kaya ako, ba't nila ako papatulan?
"Huwag mong isipin na porque babae ka ay hindi na kita papatulan." Sabi niya at itinapon sa kung saan ang kahoy. Hinawakan niya ang buhok ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya. "Paano mo nalaman ang tungkol dito?"
Hindi ako kumibo. Alangan namang sabihin ko sa kaniya na nagmula ako sa future at bumalik dito para baguhin ang nakaraan. Ang sakit ng likod ko plus ng anit ko. Sandali, iisip muna ako ng paraan para makatakas sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Short StoryThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...