Picture 4.1: College Life
"Guys! May ipapakita raw sa atin si Janica!" Sigaw ni Risha kasama si Janica at nakigulo na sa aming apat.
"Ano naman 'yon?" Tanong ni Reign.
"Ito, oh." At ipinakita ni Janica sa 'min ang picture namin noong first year college kami. Anim na kami dito dahil um-extra na sa buhay namin si Janica. But I still have my chance now. Dahil sa ipinakitang picture ni Janica ay maari kong baguhin ang nakaraan at sapilitan kong pipigilan na magkatagpo sila ni Zacharias. I'm so smart talaga! And selfish at the same time.
"Anong nangyari sa 'yo Riley? Ba't tumatawa ka ng mag-isa d'yan?" Si Ryner.
Hindi ko alam na tumatawa na pala ako. Masiyado akong nadala. "Wala. Masaya lang ako."
"I don't like what you're planning to do, Riley."
"Bakit naman, Pixie?" She's back. Nag-freeze na naman lahat ng tao dito sa venue.
"Dahil pipigilan mo ang happily ever after nila."
"'Di ba 'yon nga ang reason kung bakit ka nandito? Ang pigilan ang happily ever after chorva nila?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course not! I'm here to help you about Zacharias, but... Remember, I never told you to stop their happy ending."
"Okay, fine. Ako na ang masama. Pahingi na lang ako ng elixir at ng makabalik na ako sa nakaraan."
"As you wish." At ibinigay niya sa 'kin ang munting elixir. Ininom ko ito at pumikit. Idinilat ko ang mata ko nang may biglang pumikit sa noo ko.
"Hey Riley, I'm asking you! Saan mo planong mag-aral?" Tanong ni Zacharias ng malapit ang mukha sa 'kin. Kusa siyang sinampal ng bastos kong kamay. "Ang sakit no'n ah! Ba't mo ko sinampal?" Inis na tanong niya sa 'kin.
"Eh? Sorry?" Alanganin kong sagot. Ewan ko rin kung bakit nasampal ko siya. Nabigla lang yata ako sa pagkakalapit ng mga mukha namin.
"Bahala ka na nga d'yan! Aalis na ko. Sa M.U. na lang ako mag-e-enroll." Sabi ni Zacharias at tumayo na.
"Sandali, ito naman 'di na mabiro. Maupo ka nga ulit." Bumalik naman siya sa pagkakaupo sa bench. "Huwag ka na d'yan mag-enroll. Sa iba na lang tayong school. Marami pa namang school na pwede nating pasukan basta huwag lang d'yan sa M.U."
"Saan?"
"Kahit saan basta hindi sa school na 'yan. Ako ng bahala mag-isip kung saang school tayo papasok. Sagot ko na 'yon." D'yan kasi sa M.U nag-aaral si Janica ngayon bilang isang third year student. Yes, two years ang age gap nilang dalawa at walang kaso kay Zacharias kung mas bata siya kaysa kay Janica.
"Uy, anong ginagawa niyong dalawa dito?" Si Reign habang papalapit sa 'min at ka-holding hands si Ryner. Kasalukuyan kaming nasa park malapit sa school noong high school pa lang kami.
"Kumuha kami ng mga requirements para sa entrance exam. Kayo? San ba kayo mag-aaral?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa.
"Mag-M.U. Main kami. Kumuha rin kami ng mga papers dito sa school. Kayo, saan?" Tanong naman ni Ryner.
Hindi kami nakasagot dahil may um-extra sa 'min bigla. "Hi everyone! Mukhang may reunion tayong lima dito sa park, ah?" At energetic na lumapit sa 'min si Risha. Masamang tingin lang ang ibinigay namin ni Reign sa kaniya. "Ang sasama niyo sa 'kin!" Reklamo niya. "Oh ano? Saan kayo magka-college?" Dugtong pa niya.
"Mag-M.U. Main kami. Ikaw ba?" Si Reign.
"Hala! Parehas tayo! Magkakasama tayo! Kayo Riley? Saan kayo papasok ni Zacharias?"
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Cerita PendekThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...