The Message
Naglalaro ako sa cellphone ko ng may magsalita sa likuran ko. Nasa labas pa ako ng reception area na katabi lang din ng simbahang pinagmisahan kanina.
"Ano? Di ka pa papasok sa loob?" Tanong ni Reign sa 'kin habang nagpapagpag ng suot na gown.
"What do you think?" Nakairap na sagot na tanong ko naman sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagpindot sa cellphone.
"Naku naman Riley! Alam ko masakit sa mata na makita silang magkasama pero naman, bestfriend mo 'yong tao. Umayos ka nga d'yan!" Base sa tono ng boses niya ay talaga namang naiinis na siya sa 'kin.
"Okay." Tipid kong sagot.
"Come on Riley, stand up. Mukhang nakalimutan mong ako 'yong M.C." 'Di ko naman kasalanan na siya ang M.C.
Tumahimik lang ako. Tae naman, ang hirap naman ng larong 'to.
"At pwede ba, stop texting and listen to me!"
"Shut up! I'm not texting! I'm playing color switch! At wala rin akong ka-textmate!" Sigaw ko rin sa kaniya. Nakakainis! Wala na, na-dead na ko. Wala na talagang pag-asa na mananalo ako. Parang ako lang ito, wala ng pag-asa pang manalo sa puso niya.
Nauna ng pumasok sa loob si Reign kaya pinatay ko na ang phone ko tsaka tumayo, at nagsimulang maglakad papasok sa reception area. Ayoko munang mag-isip isip baka makalimutan ko pa 'yong message ko para sa kaniya mamaya.
Naglalakad na ako nang biglang may bumangga sa 'kin—isang babaeng nakaputing gown na may kahabaan ang buhok at grabe, ang ganda niya. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niyang nahulog at iniabot ito sa kaniya. Nginitian naman niya ako. Shocks naman talaga, mukha siyang anghel. And then, insicurity hits me.
"Thank you." Mahinahon niyang sabi at kumaripas na ng takbo papunta sa kung saan man. Hinayaan ko na siya dahil baka mamaya masabunutan ko pa siya sa sobrang ganda niya.
At unang hakbang ko pa lang ay nag-tumbling na ako agad. Napahiga ako sa sahig gawa ng may natapakan akong bagay na 'di ko alam kung saan nagmula. Pinulot ko ang unang bagay na nakita ko na sa tingin ko ay ang dahilan ng pagkakadapa ko. Para itong maliit na testtube na may takip at may lamang likido na kulay light green. 'Yong totoo, gayuma ba 'to? Posible kayang sa babae ito?
Nilingon ko ang tinakbuhan niya at plano ko sanang habulin siya kaso mukhang malayo na siya. At tsaka ang sakit ng likod ko.
"Hey miss. Are you okay? R-Riley Rome? Ikaw na ba 'yan?" Isang babae ang umalalay sa 'kin patayo.
Tinignan ko siya ng nanlalaki ang mata. "Woah! Ikaw ba 'yan Ma'am Car? Anong nangyari? Bakit bigla ka yatang---"
"Gumanda? Naku, maliit na bagay. Natuto na kasi akong mag-ayos simula ng sabihan ako ng ex ko na panget. Hindi na ako mukhang losyang ngayon." Proud na sabi niya.
"Oo nga po. Ang laki ng pinagbago mo po." Si Ma'am Caroline, Car for short, was my favorite teacher way back in high school. Siya lang kasi ang nag-iisang teacher namin sa math simula first year hanggang forth year. At mabuti naman inimbitahan siya ni Zacharias ngayon.
"Tara na po sa loob." Pagyaya ko at pumasok na kaming dalawa sa loob ng reception area.
"Here is Mr. Hommer Carter to give his message to his best friend, Mrs. Janica Polland-Agustin. Let's give him a round of applause!" Masiglang anunsyo ni Reign.
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Cerita PendekThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...