Picture 2.1: Intramurals

2.5K 159 21
                                    


Picture 2.1: Intramurals

"Paano hija, do'n muna ako sa mga amiga ko." Paalam sa 'kin ni Mama Charlita. Tumango ako sa kaniya kaya umalis na siya. Sinabayan ko ito ng isang lagok ng alak. Nawala kasi bigla ang pagkalasing ko nang biglang sumulpot si Pixie. Pinapanuod ko lang sa kamay ko ang pag-ikot ng ice cube sa wine glass. Wala na akong ibang magawa pa.

"Riley tignan mo, may ipapakita ako sa 'yo." Bored na lumingon ako sa nagsalita. Si Risha. Ibinigay niya sa 'kin ang iphone niya at may pinindot saglit bago lumitaw sa screen ang picture namin noong second year high school. Kaming lima ito. Naka-jersey sina Ryner at Zacharias tapos naka-school uniform kaming tatlo.

Natatandaan ko na. Intrams week ito at one week kaming walang klase noon. Pero may isang araw na talaga namang bad trip si Zacharias na hindi ko alam ang dahilan. Does it mean that I was the reason why he's angry that time? 

"Do you remember that picture?" Tanong ni Risha sa 'kin.

Ngumiti ako. "Oo naman. That day talaga naging official ang friendship natin. Noong araw na 'yan nagsimula ang solid nating pagkakaibigan."

"Natutuwa ako na naaalala mo pa 'yan. Pero lagi kong naiisip every time na muli kong binabalikan ng tingin ang picture na 'to kung bakit galit si Zach. Do you know any reason why?"

Umiling ako. "Hindi ko rin alam. Sa dami naming pinag-awayan ay hindi ko na matandaan."

Binaling ko ang tingin ko kay Zacharias. Nakatingin siya sa 'kin pero this time, nakangiti na. Kinawayan niya ako kaya nginitian ko lang siya. Posible kayang ako ang dahilan? Pero paano? Gusto kong malaman! I want to go back to the past once again!

Kasunod nito ay ang muling paglitaw ni Pixie na kasalukuyang nasa tabi ng bar tender. "So, you called me again." Everything freeze maliban sa 'kin at kay Pixie. This is really amazing.

"Pixie, nandito ka. Ibigsabihin ba nito matutulungan mo ako?" Nabuhayan talaga ako ng pag-asa ng makita siya.

"Well, let me see. I will do my best to help you."

"Thank you so much Pixie! Bibigyan mo ba ulit ako ng elixir?"

Nginitian niya ako, the genuine one. Hindi ko mapigilan ang saya kaya napaluha na ako. Napakaiyakin ko talaga. "Maraming salamat talaga Pixie. Thank you, thank you!" I said between sobs. Nagpupunas na rin ako ng luha. Para talaga akong bata nito, eh.

"Stop crying honey. Now look on your pocket." Kinapa ko naman ang bulsa ko. May maliit na bote akong nahawakan. Kinuha ko ito at nakita kong muli ang green na elixir. Paano itong napunta sa bulsa ko? Ininom ko na 'to diba?

"Paano-?"

"That's my power. Now, drink it para muli ka ng makabalik sa nakaraan."

Nakangiting ininom ko ang elixir. I want to know the reason why Zacharias became angry that time. Katulad ng nangyari kanina ay kusa akong umikot ng mabilis, tumatakbo ang oras ng pabaliktad, at ang pagbulong ni Pixie habang unti-unting nawawala. Nalimutan kong itanong sa kaniya kung ano ba ang binubulong niya. Muli akong bumagsak sa higanteng orasan hanggang sa lamunin na ako ng dilim.

Pagdilat ko ay bumungad sa 'kin ang mga nagkakagulong estudyante. May mga nagchi-cheer, nagtutulakan, at may nagsasayaw pa. Teka, nasaan ba-

"Aray! Ouch! Ang sakit!" At kasunod nito ay ang pagbagsak ko sa sahig. Tinamaan lang naman ako ng bola sa ulo. Bola? Teka, bakit may bola?

Tinignan ko 'yong dalawang umalalay sa 'kin patayo. Si Reign at Risha. Naka-jersey sila ng pang-basketball. Sandali, ako rin naka-jersey. Pati 'yong iba pa naming kasama. Pati 'yong nasa kabilang court. Ibigsabihin-

UNDONE (Time Traveler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon