Picture 4.2: College Life

1.9K 127 20
                                    

Picture 4.2: College Life

During my first year college, I became too busy with my studies. I lost my time to be with Zacharias that's why Janica grabbed that opportunity to get close to Zacharias. Actually, ka-close na niya ang lahat maliban sa 'kin. Si Reign ay tinarayan lang siya sa una pero sa dulo ay nakuha na rin ang loob niya. Ganun din ang nangyari kina Ryner at Risha, ang bilis niyang naka-adopt sa environment naming lima. Pero ako, ayoko pa rin sa kaniya. — Ito ang nangyari sa 'min dati. Ngayon ay binago ko na ang lahat.

Busy man ako sa pag-aaral ko ay pinilit ko pa ring magkaroon ng time para kay Zacharias. I texted him everyday. O kaya pinupuntahan ko siya sa department nila. Maraming mga kaklase niya ang nag-sasabi na baka kami na raw pero mariin iyong itinatanggi ni Zacharias. Oo, masakit pero tanggap ko ang pagtanggi niya sa 'kin. Kung bilang best friend lang ang turing niya sa 'kin, eh 'di bestfriend. The important thing here is, hindi ko sila binigyan ng chance na magkausap o magkasama man lang ni Janica. I might looked over protective to him but at least, sigurado ako na akin lang siya. Ang selfish ko ba? Ganito 'yata talaga 'pag nagmamahal ka, nagiging makasarili ka.

Siguro, ngayon na ang perfect time para sabihin ko na kay Zacharias na mahal ko siya. Ayokong hanggang sa oras na ito kung saan nagkaroon na ako ng pagkakataon ay mauunahan pa rin ako ni Janica.

Kinuha ko ang cellphone ko ng mag-ring ito. Pinutol lang naman nito ang pagmumuni-muni ko. Napangiti ako ng mabasang si Zacharias ang tumatawag sa 'kin.

"Hello?" Tanong ko. Ramdam ko ang pagdabog ng puso ko.

"Riley, let's meet." Sagot niya. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Para saan naman at magkikita kami?

"Bakit? For what?"

"Basta. Sasabihin ko sa 'yo 'pag nagkita na tayo." Ito na ba ang matagal ko ng hinihintay? Sasabihin na ba niya sa 'kin na mahal niya ako at hindi si Janica ang gusto niya?

"Sige. Saan ba?"

"Dito na lang sa McDo."

"Sige. I'll be there in 20 minutes. I-end call mo na 'to."

"Ikaw na. Ladies first 'di ba?"

"Ano ba naman Zacharias, parang hindi ka na nasanay sa 'kin. Ikaw na ang magbaba, ikaw ang tumawag sa 'kin, eh."

"Okay. Ingat ka na lang papunta dito."

"Sige. Salamat." At pinatay niya na ito. Agad na tinungo ko ang dressing room ko. Mga nasa limang minuto 'yata akong nakatitig sa mga damit ko at wala akong mapiling isusuot. Ngayon lang ako naging conscious sa damit na isusuot ko. Hindi naman ako pupuntang date, bakit ba ako nag-iinarte dito?

Isang navy blue jeans at puting blouse na lang ang naisipan kong isuot at tinernuhan ito ng nike na sapatos. Oo nga pala, ito rin 'yong damit na suot ko sa picture na pinakita sa 'min kanina sa kasal ni Janica. Meaning... Nanndun din sila sa McDo? Huwag naman sana.

Huling sulyap ang ginawa ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto at bahay namin. Tinawag ko ang trycicle sa 'di kalayuan at sumakay dito pagkalapit sa 'kin. Nagpahatid ako sa McDo at nagbayad ng pamasahe ng makarating dito. Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman agad si Zacharias. Excited na umupo ako sa kaharap niyang upuan.

"So, ano pala 'yong sasabihin mo sa 'kin?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Mamaya na. Let's eat first." Sagot ni Zacharias at um-order muna ng pagkaing kakainin namin.

Dalawang large fries, coke floats at spaghetti ang laman ng bitbit niyang tray. Tahimik kaming kumakaing dalawa. Pakiramdam ko tuloy may mali. Hindi ko makita ang makulit na Zacharias. Seryoso lang siya. Ano bang nangyayari? Hindi man ako mapakali ay tinapos ko pa rin ang pagkain ko. Mukha kasing kailangan kong maging handa sa anumang sasabihin ni Zacharias.

UNDONE (Time Traveler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon