2nd sa Last: STAY

2.1K 80 6
                                    

2nd sa Last: STAY

Nagkakagulo na ang lahat. Mayroong nagsasayaw sa gitna, kumakanta, umiinom, kumakain at nag-uusap lang. Ako? Kabilang ako sa mga umiinom ng alak. Ganito talaga 'pag bigo sa pag-ibig, idinadaan na lang sa pag-inom.

"Pahingi pa nga ako ng isa." Sabi ko sa bartender. Mukhang hindi ako magandang ehemplo sa mga estudyante ko. Baka sabihin nila, 'si ma'am lasinggera'.

Napatitig ako sa isinasaling alak ng bartender sa baso ko ng bigla itong huminto. Pero paano? Wala naman akong picture na nakita.

"Ito na ang huli mong pagkakataon Riley. Papalagpasin mo pa ba?"

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Pixie na ngayon ay malungkot na nakatingin sa 'kin. "Paano ka nakapunta dito?"

"Have you forgotten that I'm a fairy? Of course, pwede akong pumunta dito kahit anong oras na naisin ko. At hindi ko kailangan ng pictures para magpakita sa 'yo."

"Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi sa 'kin? Buong akala ko pumupunta ka lang kapag tinatawag kita at dapat may picture. 'Yon naman pala hindi na 'yon kailangan."

"Dahil nararamdaman kong malapit ng matapos ang kwento mo." Sagot niya at napangiti na.

"Is it a happy ending or not?"

"I don't know yet. But I'm giving you your last chance. Now, take it or leave it?"

"If ever na babalik ako sa nakaraan, kailan ang setting?"

"Yesterday." Mabilis niyang sagot.

"For real? Bakit kahapon?" Ang naaalala kong ginawa ko kahapon ay pumunta ako sa bridal shower ni Janica kahit labag sa loob ko. Hindi nga yata kami nagkita ni Zacharias doon.

"Para malaman natin kung mayroon ka ba talagang mababago. Now, are you ready?"

Dahan-dahan akong tumango. Tinanggap ko ang iniabot niya sa aking elixir. Nanalangin muna ako bago ito ininom. Ito na talaga ang huli. Well, good luck to me.

Paulit-ulit na katok sa pinto ang dahilan kaya dumilat ako. Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nakaharap sa salamin. Nakasuot ako ng itim na dress na para bang nagluluksa. Teka, saan nga ulit ang punta ko nito?

"Riley? Sasama ka ba samin?" Dinig kong tanong ni Reign sa labas. Anong ginagawa niya dito?

"Sasama? Saan?" Ang gulo nito ni Reign. Iniisip ko pa nga kung saan ako pupunta, eh.

"Sa bridal shower ni Janica. Lumabas ka na d'yan at aalis na tayo." Now I know kung bakit itim na dress ang suot ko. Naalala ko na.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Bakas sa mukha ni Reign ang pagkagulat ng makita ang suot ko.

"Bakit ganiyan ang suot mo? Sa party tayo pupunta hindi sa lamay." Pansin niya.

Nginitian ko lang siya. "I'm also asking that to myself." Pagkatapos ay nauna na akong naglakad.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ang engine nito. Pero hindi pa ako nakakausad ay biglang sumakay dito sina Reign at Risha.

"Teka! Bakit mo kami iiwan?" Reklamo ni Risha pagkaupo sa tabi ko.

"Iiwan? 'Di ba mayroon kayong sariling sasakyan? Anong ginagawa niyo dito sa kotse ko?" Tanong ko naman.

"Nakalimutan mo na bang pinag-usapan natin 'to na kotse mo ang gagamitin papuntang venue?" Sagot ni Reign.

Really? Wala akong maalala. Short term memory sucks.

Tahimik akong nagmamaneho ng biglang pumasok sa isip ko ang huling sinabi ni Pixie na 'para malaman natin kung mayroon ka ba talagang mababago'. At anong mababago ko kung sasama ako sa kanila sa bridal shower ni Janica? Malamang ay wala. Mali ito. Kailangan kong puntahan si Zacharias.

UNDONE (Time Traveler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon