Picture 3.2: Chocolate
Hinihintay na lang namin na tumigas ang chocolate sa fridge kaya mas pinili naming maupo na lang muna sa sahig. Grabe, na-enjoy ko talaga ang moment na 'to kasama si Reign. Feeling ko nga ngayon ko pa lang talaga nakilala ang tunay na Reign.
Alas-kwatro na rin pala, patapos na ang klase namin. Absent na tuloy kami ngayong araw. Pero okay lang, naging masaya naman ako.
"So paano, ibigay mo 'yan sa kaniya mamaya ha?" Sabi niya ng nakangiti sa 'kin.
"Oo naman. Salamat sa tulong mo."
"Wala 'yon, ano ka ba. Para san pa at naging magkaibigan tayo kung hindi naman tayo magtutulungan."
"Huwag kang mag-alala, tutulungan din kitang iabot kay Ryner 'yong ginawa mong chocolate para sa kaniya."
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ha? Anong sinabi mo?" Halata namang gulat na gulat siya.
"Ang sabi ko babawi ako sa pagtulong na ginawa mo para sa 'kin."
"Huwag ka ng mag-abala pa. Wala na akong planong ibigay pa 'yon sa kaniya." Sabi niya kasunod ng pagyakap sa kaniyang mga binti habang malungkot na nakatitig sa kawalan.
"Pinagseselosan mo talaga si Risha? Wala 'yong feelings para kay Ryner, ako ng nagsasabi sa 'yo. Kilala ko 'yon si Risha, hindi 'yong mga tipo ni Ryner ang gusto niya. Saka Reign, kaibigan natin 'yon si Risha kaya sana naman hindi kayo magkaroon ng gap sa isa't isa."
"Hindi naman ako galit kay Risha. May konting inggit lang na buti pa siya ay may lakas ng loob. Eh ako? Lagi na lang nawawala when it comes to Ryner."
"Hindi ko nga alam kung paano kita hahawahan ng lakas ng loob Reign. Sana naman ibigay mo na 'yong chocolate na 'yon bago pa mahuli ang lahat."
Umiling siya. "Ayoko na. Nakakasawa rin palang umasa."
"Hindi kita mapipilit kung ayaw mo talaga. Ang akin lang sana gawin mo na 'yong dapat mong gawin bago pa mahuli ang lahat. Ayokong pagsisihan mo balang-araw ang magiging desisyon mo ngayon at pipiliin mong bumalik sa nakaraan para baguhin ang lahat." Ayokong matulad ka sa 'kin Reign. Ayoko.
Hindi na siya kumibo at parang wala sa sarili na kinuha ang chocolate sa fridge at iniabot sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako nginitian. "Tara?" Naguguluhan ko lang siyang tinignan. "Samahan mo ako."
Naguguluhan man ay sumunod na rin ako sa kaniya. Tumakbo kami papuntang classroom. Iilan na lang ang nandito. Kahit sila Zacharias ay wala na sa room. At maging ang bag ko ay wala na. Malamang iniuwi na ni Zacharias.
Muling hinawakan ni Reign ang kamay ko ng makuha na niya ang bag niya at tumakbo papunta sa kung saan man. "Teka, saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi ko na natiis itanong.
"Basta." Sabi niya at parang batang excited na nagpatuloy sa pagtakbo. Sa garden ng school kami huminto. May lalaking nakahiga sa damuhan na pamilyar sa 'kin.
Namamanghang napatingin ako sa kaniya. "Paano mo nalamang nandito siya?"
"Every valentine's day ay dito ko siya nakikita." Sagot naman niya na parang kinakabahan. Ayan na naman siya.
"Go, lapitan mo na siya." Sabi ko at pinisil ang kamay niya. "Kaya mo 'yan, naniniwala ako sa 'yo." At nginitian ko siya.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Maraming salamat Riley. Pinalakas mo ang loob ko."
"Wala 'yon. Sige na."
Bumitaw siya sa 'kin at dahan-dahang lumapit kay Ryner. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Umalis na ko at naglakad pauwi. Walking distance lang kasi talaga ang school namin kaso kapag tinamad ako ay sumasakay ako ng jeep. Masaya akong naglalakad mag-isa. Sanay naman akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
NouvellesThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...