Picture 3.1: Chocolate
"Sige na, dadaldalin ko lang 'yong bagong kasal. D'yan ka lang muna, ha." Paalam ni Risha at umalis na.
Dahil mag-isa na lang ako ay naisipan ko ng tumayo. Teka! Nahilo ako ng bahagya. Sa kaunting alak na nainom ko ay nahilo na ako agad. Iniwan ko na sa bar tender 'yong baso ng alak at naglakad-lakad na. Ngayon ko lang na-realize na maganda pala ang venue. Puro kasi pagka-heartbroken ang nasa isip ko. Hindi ko na tuloy na-appreciate ang mga nasa paligid ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng mata ko ang picture frame na nakasabit sa pader. The picture was dated February 14, 2008. Third year high school kami?
Hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito dahil sa araw na ito binawian ng buhay ang parents ko. Napaluha ako sa alalahaning iyon. Hanggang ngayon ang weak ko pa rin when it comes to my parents.
Para akong timang na hinawakan ang larawan. Kami pa ring lima ito. Nakaakbay sa 'kin sina Ryner at Zacharias samantalang ako halatang mugto ang mga mata. Lalo akong naiyak sa pagmumukha ko. Halatang pinilit ko lang ngumiti noong time na 'to.
"You missed them, right?" Tinignan ko ang umakbay sa 'kin, si Zacharias. Malungkot din itong nakatingin sa picture.
"Sobra," sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Sa balikat niya ako umiyak ng umiyak. Wala na akong pake sa iisipin ng mga nakakakita sa 'min. Ang alam ko lang ngayon ay ang sikip ng dibdib ko. Sobrang sakit nitong puso ko sinabayan pa ng pagiging brokenhearted ko.
"Ako rin, nami-miss ko na sila tito't tita pero kailangan mong maging matatag, Riley." Sabi niya at iniharap ako sa kaniya. Pinunasan niya rin ang mga luha ko na walang patid sa pagtulo. "At alam mo ba, gusto kong humingi ng sorry sa kanila kasi hindi ko natupad ang promise ko sa kanila, that I will be on your side no matter what it takes. Sayo rin, I'm sorry 'cause I can't make that promise."
"I know. Kaso hindi mo maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon Zacharias."
"What do you mean exactly? Nung mawala sina tito't tita?"
"Mahal kasi kita Zacharias pero mas pinili mong magpakasal kay Janica!" 'Yan sana ang gusto kong isagot sa kaniya pero hindi ko itinuloy. Napatakip na lang ako sa aking mukha at dito ko na ibinuhos ang lahat ng luha ko. Tanggap ko na ang kahihiyang dinaranas ko ngayon.
"Stop crying, Riley." Sabi ni Pixie sa tabi ko. Kaya naman pala naging tahimik ang paligid ay nandito pala siya.
Pero sa halip na tumahimik ay mas lalo lang akong umiyak. "Tahan na, please?" At inabutan niya ako ng panyo.
Tinaggap ko ito at ipinunas sa mukha ko. At nagulat na lang ako biglang huminto ang luha ko. Hindi na ako umiiyak ngayon.
"Anong ginawa mo sa 'kin?" Agad kong tanong sa kaniya.
"Nothing. Oh, drink this." At ibinigay niya sa 'kin ang elixir.
"Sandali, ba't ka nga pala nandito? Hindi naman kita tinawag?"
"I thought you want to tell him that you love him?" Itinuro niya si Zacharias sa tabi ko. Tinignan ko naman siya. Bigla tuloy akong nagka-urge na bumalik sa nakaraan. Pero muli kong naalala ang mga magulang ko.
"If ever na babalik ako sa nakaraan, masasabi ko ngang mahal ko siya pero mararamdaman ko ulit 'yong sakit na naramdaman ko noong mawala ang mga magulang ko. Can't you change the past and make my parents be back?"
"May nakaraan kasi na pwedeng baguhin at meron din namang hindi. In your parent's case, it's hard to change 'cause I don't have the power to stop the death. But I really want to stop it, believe me."
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Cerita PendekThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...