Picture 7: Wedding Preparation"Riley, panuorin mong mabuti itong video." Sabi ni Risha pagkalapit sa 'kin. Tumango lang ako bilang sagot.
Dinala niya ako malapit sa stage kung saan naka-set up ang projector na ready ng panuoran. Pagkapatay ng ilaw ay kasabay ng pagpindot ni Risha ng play button. Lahat ay nagsitigil sa ginagawa nila at itinuon ang atensyon sa panunuod.
"Congratulations Zacharias Agustin!" Sabi sa simula ng video.
"Una namin siyang nakilala noong high school pa lang kami." Napatingin ako sa nagsalita, si Risha na hindi ko namalayang umalis na pala sa tabi ko.
Kasabay ng sinabi niya ay ang pagpapakita ng iba't ibang picture na may kinalaman noong high school pa kami. Kabilang na noong lumaban kami na puro sugat ako sa katawan, noong intrams, at noong valentines day na binigyan ko siya ng lusaw na chocolate.
"At mas nakilala pa noong nag-college na kami." Pagpapatuloy niya.
Ang mga ipinakitang picture ay noong nasa McDo kami, 'yong sinabi sa 'kin ni Zacharias na nahuhulog na ang loob niya kay Janica, at noong battle of the band na kung saan ay hindi ako sumali sa Band-A.
"Suportado namin siya sa lahat ng event na nangyayari sa buhay niya." Dugtong niya.
Kasunod na ipinakita ang iba't ibang pictures noong wedding proposal ni Zacharias na kung saan wala ako.
"At gagawin ang lahat para maging maligaya siya."
Napatitig ako sa sumunod na larawan. Picture namin ito sa roof top ng bahay nila Janica. Akalain niyo nga naman, talagang kasama pa ako sa picture na 'to kahit na sobrang layo na ng loob ko sa kanila. Kumpleto kaming lima dito at kasama rin si Janica sa picture. Makikita sa mukha ko na peke ang pagkakangiti ko.
This is during Christmas eve last year. December 24, 2016. Tama, sobrang laking panahon ang inilaan para lang sa preperasyon sa kasal nilang dalawa. Maging kami ay inabala.
"Have you change your mind? Gusto mo na ba ulit bumalik sa nakaraan?" Hindi ko namalayan na bumalik na pa lang muli si Pixie. Tahimik na ulit ang paligid.
Umiling ako. "Wala na akong plano. Siguro nga silang dalawa talaga ang nakatadhana para sa isa't isa."
"Are you sure? Paano kung sa muli mong pagbalik saka mo pa mabago ang lahat?"
"Hindi mangyayari 'yan. Alam mo namang tinulungan ko pa nga sila sa wedding preparation nila. Once na bumalik ako, mauulit lang ng mauulit ang nangyari na."
"Mukhang hindi ko na mababago pa ang desisyon mo. So, aalis na ako ha?"
"Sandali!" Bigla na lang akong napasigaw.
Nagkaroon ako agad ng change of mind. "Siguro, last na talaga 'to. Kapag wala pa ring nangyari ay ititigil ko na 'tong kabaliwan kong ito." Last chance, last hope.
"Sabi ko na nga ba magbabago pa ang isip mo." Natutuwa niyang sabi bago ako inabutan ng elixir. "Inumin mo na 'yan." Sinunod ko siya at muling pinakiramdaman ang paligid.
"Ano Riley? Sasama ka ba sa amin o hindi?"
"H-ha?" Naguguluhan kong tanong kay Risha na ngayon ay nagkakamot na ng ulo dahil siguro sa inis sa'kin.
"Ang sabi ko sasamahan mo ba kami sa pag-video?"
"Pag-video? Ng alin?"
"Nang mga message sa dalawang ikakasal. Ang hirap namang i-explain. Basta! Sasama ka ba samin o hindi?"
"Sige. Magbibihis lang ako saglit."
"Intayin ka namin sa labas."
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay sumunod na rin ako sa kanila sa labas. Nadatnan ko sa harap ng bahay ko sina Risha, Reign at Ryner. Oo nga pala, kaming apat lang ang kukuha ng video dahil ang plano nila ay isikreto lang ito kay Zacharias.
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Historia CortaThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...