FINAL: The Message

2.6K 102 38
                                    

FINAL: The Message

"And now, the special message from the best friend of the groom, Ms. Riley Rome." Annouced by Reign. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat.

Nanigas ako dito sa kinauupuan ko. Wala akong maalala sa kung anong sinabi ko kanina. Hindi ko alam kung tungkol saan ba ang message ko para kay Zacharias. Dahil sa paulit-ulit na pagbalik ko sa nakaraan, nakalimutan ko na tuloy ang kasalukuyan. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Riley? Ikaw na ang magsasalita dito." Sabi ni Reign habang alanganing nakangiti sa 'kin.

Nakaramdam ako ng kaba habang naglalakad lalo na nang mapansin kong lahat ng mata nila ay sa 'kin nakatuon. Nanginginig ang mga tuhod na umakyat ako ng stage. Ang akala ko pa nga ay mahuhulog ako sa hagdan sa sobrang panginginig nito. Hindi naman ako pasmado pero biglang nagpawis ang kamay ko nang nakatayo na ako sa harap ng mic. Di ko alam kung paano ba ako magsisimulang magsalita. Lahat sila ay nakatingin sa 'kin habang inaabangan ang sasabihin ko sa taong mahal ko. 

Napabuka ako ng bibig pero wala kahit na isang salita ang lumabas mula rito, sa halip ay napahikbi ako. Nagbulungan ang mga tao, nagkagulo. Tanong nila, bakit ako umiiyak kahit na magbibigay lang naman ako ng isang mensahe? Hindi ko rin alam ang kasagutan d'yan.

Nakita ko ang pagtayo ni Zacharias pero hinawakan siya sa braso ni Janica at muling pinaupo. Si Reign at Risha naman ay dapat lalapitan ako pero pinigilan sila ni Ryner. Wala na ba talaga akong kahihiyan sa sarili ko na natitira at umiiyak ako sa harap ng maraming tao?

Parang tangang natawa ako sa sarili ko habang pinupunasan ko ang mga luhang sige lang sa pagpatak. "I'm really an idiot. Iniiyakan ko ang pagbibigay ng mensahe kay Zacharias." Gusto ko na talagang lamunin ng lupa dahil walang natawa sa joke ko. Siguro ramdam nilang seryoso ako, na may meaning itong pag-iyak ko.

Hindi ko na talaga makaya kaya napatalikod na lang ako. Sapo ng dalawa kong kamay ang mukha ko habang todo ako sa paghagulgol. Walang nagtangkang lapitan ako, lahat ay nakikisimpatya sa nangyayari.

Luhaang humarap ako sa dalawang bagong kasal. "Zacharias and Janica, I'm sorry pero hindi ko kayang batiin kayo ng congratulations."

Agad na nagka-ugong ang buong palagid, nagtataka sa sinabi ko.

"Zacharias. Oo, ako lang ang tumatawag sa 'yo niyan kasi ang buong akala ko ay espesyal ako sa 'yo. Hindi pala ikaw 'yong tipo ng tao na tumutupad sa usapan dahil hindi mo sinunod ang pangako mo sa mga magulang ko. Ang sabi mo nasa tabi lang kita kahit na anong mangyari pero hindi, you chose to marry that girl."

Napabuhos ulit ako ng iyak. Naiinis na ako sa mga luhang ito! Hindi manlang ako patapusin magsalita.

"Mas madalas ka pang masungit kaysa mabait pero kahit ganiyan ka, tinanggap pa rin kita ng buo. Kahit lagi mong napapansin ang mga kamalian ko ay okay lang sa 'kin dahil ikaw 'yon, eh. Wala akong pakiealam kahit palagi tayong magkaaway dahil ang mahalaga sa 'kin ay kasama kita. 'Yong pagiging maaalalahanin mo ay sumosobra na dahil sa lahat ina-apply mo 'yan. Masaya ka naman kasama kahit medyo tahimik ka. At alam mo kung ano ang pinakaayaw kong katangian mo? Ang pagiging lampa mo! Kung hindi ka sana nadulas sa harap ko noong grade 1 pa lang tayo ay hindi sana tayo nagkakilala at hindi rin nadulas ang puso kong ito sa 'yo. Yes, you're the one who let me see the light, but you're also the one who made my life darker. Alam mo? Gusto sana kitang pasalamatan kaso lang naisip ko, anong ipagpapasalamat ko sa 'yo? 'Yong sakit na binigay mo sa'kin? Huwag na lang kung ganoon."

Muli akong nagpunas ng mga luha ko gamit ang palad ko.

"Sabagay, kasalanan ko naman ang lahat ng 'to. Kung sana noong high school pa lang ay sinabi ko na sa 'yo itong nararamdaman ko ay hindi na tayo aabot pa sa puntong ito."

UNDONE (Time Traveler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon