Picture 5.2: The Band
Ngayon ang unang araw ng practice namin sa bagong banda na sinalihan ko. Pinangalanan namin itong New Beggining. Actually ako talaga ang nag-suggest nito para sa sarili ko. Kailangan ko nang simulan baguhin ang buhay ko.
Ako ang unang dumating dito sa studio. Sumunod si Keil, the guitarist; si Pin the pianist; at si Vince, 'yong kaklase ni Zacharias, the drummer.
Tinitigan ko ng mabuti si Vince. Tama! Siya lang naman ang dahilan kung bakit natalo kami dati. Dahil during the performance ay naputol ang ginagamit niyang drum stick na talaga namang nakakapagtaka kung paano iyon nangyare. Another sabotage during the performance? Mukha namang hindi. Kailangan lang siyang ialis sa banda at palitan siya ng bago. Pero parang ang sama ko naman masyado kapag inalis ko na lang siya bigla?
"Ayoko sa kanya." Sabi ko na ikinatahimik ng lahat. I have no choice. Hahayaan ko ng magmukha akong masama. Itinuro ko si Vince para malaman nila kung sino ba ang tinutukoy ko.
"T-teka. Ano bang problema mo sa 'kin? A-ano 'yang sinasabi mo?" Tanong agad ni Vince.
"Hindi pa ba obvious na ayaw kong maging parte ka ng bandang ito?"
"Riley, you aren't funny." Babala sa 'kin ni Keil.
"I know. At hindi rin ako nagpapatawa kaya hindi mo kailangang tumawa." Sarkastikong sagot ko naman sa kanya. "'Di ba ang goal niyo ay manalo ang banda? Puwes, alisin niyo si Vince ngayon din."
Napaisip sandali si Keil pero nagsalita rin agad. "Kung tatanggalin natin siya, sino naman ang ipapalit natin?"
Si Vince ang hinarap ko. "You know Hommer, right? Puntahan mo na siya ngayon din at sabihin mong kasali siya sa banda."
"Marunong ba 'yon mag-drum? Mukha ngang wala 'yong alam sa music. Baka kainin pa siya ng drum set." Reklamo ni Vince. Kita mo 'tong taong 'to. Napaka-judgemental.
"Stop judging him, okay? Malay mo naman marunong siya." Sabi ko pero hindi talaga ako sigurado kung marunong nga siya o hindi. Remember, I really don't know him.
"Fine! Pupuntahan ko siya." Labag man sa loob ni Vince ay tinawag pa rin niya si Hommer. Bahala na kung marunong man o hindi si Hommer na mag-drum.
Ilang saglit lang ang lumipas ay nakabalik na ulit si Vince kasama si Hommer.
"Oh, Riley? What are you doing here?" Bungad agad sa 'kin ni Hommer.
Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig. "Ako ang nagpatawag sa'yo Hommer. Do you know how to play drums?" Diretsahan ko ng tanong, wala ng paligoy-ligoy pa.
"Oo, marunong ako. Bakit?"
Ang galing ko talaga! Akalain niyo 'yon, marunong nga siyang mag-drum. "Well, welcome to the band! Don't worry Vince, you're still part of the band. Joke ko lang na aalisin ka kanina. And as far as I know, I will be the leader of this band."
Agad namang nagkaroon ng violent reactions sina Pin at Keil. Pero wala na silang magagawa, ako na ang mamumuno sa banda namin.
Tinaasan ko lang sila ng kilay habang nakapameywang. "Will you shut up?! 'Pag sinabi kong ako, ako. Wala ng kokontra. Now, Keil you're still the guitarist, Pin you're the pianist, Hommer you're the drummer and Vince you're the lead vocalist."
"Ano? Kaya ka nga namin isinali sa banda para gawing vocalist. Ano na lang ang gagawin mo ngayon?" Gulat na may kahalong galit na sabi ni Keil. Tinawanan ko lang siya. Buo na ang desisyon ko, hindi ko na 'to mababago.
"Don't worry Keil, I know how to play guitar. Magiging gitarista rin ako. Naiintindihan niyo ba?" Wala na silang nagawa kundi tumango. Lumabas tuloy ang bossy side ko. "Ngayon, may napili na ba kayong pyesang tutugtugin?"
BINABASA MO ANG
UNDONE (Time Traveler)
Short StoryThe girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero paano nga ba siya muling babalik sa nakaraan? Let's support Riley to her journey with her friends...