Picture 6.1: Wedding Proposal

2K 100 12
                                    

Picture 6.1: Wedding Proposal

"Hey, Riley! Say hi!" Napalingon ako ng 'di oras sa tumawag sa 'kin. Si Ryner lang pala. May hawak na DSLR, nagvi-video 'yata. Remember, siya ang camera man dito sa kasal.

Sa halip na sabihin ang 'hi' ay tinakpan ko ang lense ng camera. Ang panget kaya nga hitsura ko para video-han.

"'Wag mong takpan!" Sabi niya habang pinipilit na alisin ang pagkakahawak ko.

"Hindi. Magtigil ka Ryner. Patingin na lang ng mga picture d'yan." Sabi ko naman at inagaw na lang sa kaniya ang SLR. Kaagad kong binura ang video na kinuhanan niya at saka pinindot ang previous button para makita ang ibang picture dito sa gallery.

Medyo nalibang ako sa pagpindot hanggang sa umabot na ako sa gabi mismo na kung saan ay nag-propose si Zacharias kay Janica. Nakaluhod si Zacharias habang isinusuot sa daliri ni Janica ang wedding ring. Ang sweet nilang tignan sa picture. Sana ako na lang si Janica.

"Ready ka na ba ulit bumalik sa nakaraan?" Sabi ni Pixie na nasa tabi ni Zacharias ngayon. Wala namang pake si Zacharias kasi hindi sila gumagalaw ngayon.

"Sa tingin mo ba Pixie mapipigilan ko ang engagement nila? Ilang beses ko ng sinubukang bumalik sa nakaraan pero wala pa rin naman akong nabago." Sabi ko at muling tinitigan ang picture.

"Oo naman! Naniniwala ako sa kakayahan mo." Pinapalakas niya ang loob ko.

Ngayon ko lang napansin na wala pala ako sa picture. Si Zacharias at Janica lang ang nakuhanan. Imposible tuloy na makakabalik ako ulit sa nakaraan.

"Pixie. Wala na naman ako dito sa picture."

"Nandyan ka. Titigan mo lang ng mabuti 'yong babae na makikita sa pagitan nila Zach at Janica. 'Yong maliit na maliit lang. At ikaw 'yan, Riley."

Sinunod ko ang sinabi niya at tinignan ito. "Anong ginagawa ko dito? 'Diba dapat kasama ako nila Risha at hindi extra lang dito sa picture? I should be there in Zacharias's proposal."

"Ask yourself about that Riley. Ikaw lang ang nakakaalam d'yan sa tanong mo."

Oo naman, ako lang ang nakakaalam. Ang kaso 'di ko talaga matandaan. Siguro mas mabuti na bumalik na lang ako sa nakaraan.

"Here. Drink this now." Sabi ni Pixie na nasa tabi ko na pala at iniabot sa 'kin ang elixir. Kahit wala akong kasiguraduhan kung may mababago man ako ay susubukan ko pa rin. Kahit pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa ay ipagpapatuloy ko pa rin ito. Ganito ko siya kamahal, handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Stupid love!

Ininom ko na ang berdeng likidong ito at pumikit. Muli akong dumilat ng may marinig akong mga ingay. At ngayon ay alam ko na kung saan ito nanggagaling. Sa mga estudyante kong nagkakagulo dahil uwian na. Daig pa nila ang elementary kung mag-ingay kahit na Grade 9 naman na sila.

"Goodbye class!" Pasigaw kong sabi dahilan para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Goodbye Ma'am Rome, see you tomorrow. God bless you." Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante kong atat ng umuwi pagkatapos ay isa-isa na silang nagsilabasan. Nang makalabas na sila ay sinigurado ko munang malinis ang classroom bago lumabas.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway papuntang faculty room. Napag-isip-isip ko na ang tagal na pala simula ng makapasa ako sa board exam. After kong makapasa ay dito na ako nag-apply sa school na pinag-aralan ko noong high school ako. Natuwa ang mga dati kong teacher ng makitang dito ako magtuturo. At dahil dito pinasaya nila ako.

Nakalimot akong bigla sa pag-ibig problem ko. Nag-focused lang ako sa pagtuturo hanggang sa dumating 'yong time na nawalan na rin ako ng oras sa mga kaibigan ko. Sinubukan nila akong yakagin sa mga lakad nila pero ang oras na mismo ang ayaw makisama. Wala na akong oras sa mga bonding moments na 'yan dahil sobrang busy ako sa pagtuturo. At nakakalungkot mang isipin pero wala na akong komunikasyon sa kanila.

UNDONE (Time Traveler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon