CHAPTER 6 (Depress)

298 5 0
                                    

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)

CHAPTER 6:

“what do you mean naiiba?”

“naiiba, meaning sya lang ang hindi mayabang, the rest including you!” tinuro ko pa sya. “mayabang lahat.” Prangka ba ako? He deserves it anyway.

“ibigay mo nanga sa kanya yan!”

“okay PO! Alis na PO ako!”

Wow! Ang saya ko, makikita ko si Dave!

Pagkalabas ko sa gate, tsaka ko lang naalala, diko pa pala alam kung saan ang exact location ng sixtreme.

Pero sabi naman ni menopause malapit lang daw. Lalakarin kona lang para tipid, and then bahala na si magtatanong.

Hala! ilang minuto na akong naglalakad, halos magpaltos na ang mga paa ko, pero wala parin akong nakikitang Sixtreme.

Naliligaw naba ako? Wait ano ng gagawin ko? Tatawag naba ako sa 911? Okay ako na ang OA!

*isip* isip* isip*

Ting!

Tunog po yan ng umilaw na light bulb.

Corny ba? ‘nu magagawa ko yan lang naisip na S.E. ng bestfriend kong si ms. author. Yap tama, bestfriend ko si ms. author.. kaya pag hindi nya ginawang happy ending tong story ko? Ay naku, aawayin ko sya ng bonggang-bongga!

Okay back to the light bulb thingy.

Teka ano nga ba yung naisip ko at biglang umilaw yung bombilya? Napasarap kasi kwento ko,  daldal ko no?

oh well naalala kona kung anu yung naisip ko.

Naisipan kong tawagan si Angelie, alam nya kung saan ang sixtreme.

Maka light bulb naman ako parang super duper great idea na, yun lang pala.

Kahit elementary maiisip yun eh. OA lang talaga si ms. author. Tama na nga ang dada, eto na tatawagan kona si Bessy.

“hello bess.”-ako

(napatawag ka?)

“diko kasi alam kung saan ang sixtreme.”

(ah..doon sa blah blah blah…kumanan ka then blah blah blah….)

“salamat! Byie!” nakailang anak na ang tipaklong naman oh.

Ang layo pa pala. Walang hiyang Meno. yon! Malapit lang daw! Eto ba ang malapit sa kanya?

Eh butas na ang medyas ko ah! Buti nalang sapatos ko hindi pa.

Sino ba kasing nagsabing maglakad ka?

Sabi nya kasi malapit lang kaya naglakad nalang ako.

Ang sabihin mo matipid ka lang!

Okay left and right brain tama na pagtatalo di yan nakakatulong!

Sa wakas!

After how many decade, tanaw ko na ang rurok ng tagumpay!

Este ang sixtreme pala. Sensya naman epekto lang ng pagod.

Malaki din pala itong sixtreme, 3 floors.

Coffee shop sa baba. Salamin lang ang ding ding kaya kita ang mga tao sa loob. And I think, Bar yung sa second floor.

Makapasok nanga ng Makita kona si Dave.

Halos puno ang loob, ang daming customers, at karamihan sa kanila ay nag-aaral sa SHU.

Totoo nga siguro ang sinabi ni Angelie na masarap ang kape nila dito.

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon