CHAPTER 21 (Shawn or Dave?)

156 3 0
                                    

He’s a Blackmailer (I Hate en Love Him!)

Written by: puXYCath

Chapter  21

Kayes POV

Blackmailer Calling…

Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Sino yan?" tanong ni Gelie.

"Si Shawn." pinindot ko na yung answer button.

"hello?"

"Yana may sasabihin ako." mahinang sabi ni Shawn.

"Bakit ang late mo namang tumawag? Ano ba iyon?"

"kasi..."

"kasi?"


"Ano may sasabihin sana ako."

"Hai, ano nga ang sasabihin mo?"

"Kasi ano... si Sam, gusto ko sana...ano... ahh..."

"pwede ba ayusin mo. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo eh." narinig ko syang bumuntong hininga.

"wala never mind nalang, sige "

"Ano ba kasing-"

*toot*

*toot*

Ay ang labo talaga ng lalaking iyon.

Tatawag tawag wala naman palang sasabihin

"Anong sabi nya? Bakit tumawag?"

"Ewan ko sa kanya, may sasabihin daw, tapos biglang nevermind. Ang labo talaga nya. Siguro dilang makatulog yun kaya ako ang ginugulo."

"May sasabihin? Hindi kaya...

…aamin na sya? Baka yung gusto nyang sabihin ay gusto ka nya, tapos biglang nahiya kaya hindi na nya sinabi."

Wow! Ibang klase talagang mag conclude ang babaeng 'to.

"That’s impossible. Nambubwisit lang 'yon kaya sya tumatawag."

"Of course that’s possible."

"Pano naman mangyayari iyon eh nasa vocabulary na ata  nya yung 'you're not my type."

"Okay, let’s just say you're not his type, but l'm pretty sure na he's your type. I mean, you like him, right?"

Hindi na ako sumagot. Kahit naman tumanggi ako, di rin naman sya maniniwala, and isa pa, tama naman sya, gusto ko naman talaga si Shawn.

"Oh see? Silence means yes, though not all times, but this time, l'm sure it’s a yes!"

"Okay, l admit"

"Uy! Dalaga na si Bessy!" kinurot nya ako sa tagiliran.

"Kwento ka naman! Kailan nagsimula? Pano mo sya nagustuhan? Di ba ang crush mo si Dave?" sunod sunod na tanong nya.

Kailan at pano ko ngaba sya nagustuhan?

Actually diko rin alam ang sagot, basta bigla nalang gusto ko na sya.

 Pero naiinis parin ako sakanya.

Totoo nga siguro na the more you hate the more you love.

Ay mali, hindi pala sya love. Rephrase rephrase, take 2..

Totoo kaya na the more you hate the more you like?

 Hai! What so ever!

"Uy!" hinampas ako ni Gelie.

"Ano na? Tinatanong kita, bigla ka nalang nag daydream dyan."

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon