CHAPTER 22 (Picnic)

137 2 0
                                    

He’s a Blackmailer (I Hate en Love Him!)

Written by: puXYCath


CHAPTER 22

Kaye's P0V

"Sige na Yana, please.."

tama ba ang dinig ko? Si Shawn nag please?

 Wow! It's a mirakeeels!

Di ako makapaniwala, kaya binigyan ko sya ng 'marunong-ka-palang-mag-please' look.

Pero di parin nya ako makukuha sa please nya.

Hindi pwedeng magsama kami ng isang linggo doon sa Batangas, baka kung ano pa ang mangyari, and diba sabi ko, hindi pweding lumalim yung feelings ko sa kanya?

Kung makakasama ko sya f0r a week, baka lalo pa akong ma develop sa kanya.

Kaya lang, nagi-guilty ako kay Sam. Yun lang ang hiling nya sakin , di kopa mapagbigyan.

 Eh natatakot kasi ako eh.

"Ayoko!"

"Ano bang gusto mong gawin ko para pumayag ka? Gusto ko lang sumaya si Sam sa birthday nya. Sige ganito nalang, after ng 0uting, kung sasama ka, hindi kona ieextend yung parusa ko, tatapusin kona yung pagiing PA mo."

So hindi kona makikita ang nakakabwisit nyang mukha?

Wala nang manguutos at papagod sakin?

Ok yun.

 At mapapagbigyan ko pa si Sam.

Kung pumayag na kaya ako?


"Pumayag kana, promise di na kita guguluhin, malaya kana, dimo na makikita ang gwapo kong mukha na kinaiinisan mo."


Sabagay tama sya, at babalik narin sa dati ang buhay ko.

Magiging tahimik na ulit.

 Pero hindi, ayoko parin, hindi ako papayag.

 Desidido na ako.

 Hindi talaga ako papayag.

"Okay sige, payag na ako!" Ay tungeks ko no? haha!


Sudden change of decisi0n in just a second.

Bahala nanga.

"Talaga? Thank you!"

O__O

dug! dug! dug!

Di ako makahinga, ng niyakap nya ako.


 Pero bat ganun?

Di naman mahigpit ang pagkakayakap nya, bakit nahihirapan parin akong huminga?

Dahil kaya sa bilis at lakas ng heartbeat ko?

Bigla syang kumalas ng mapansin nya ang reaksyon ko.

"Sorry, masaya lang ako kaya wag kang mag assume , baka isipin mo gusto na kita."

Anak ng! Sinong nagsabing nagaassume ako? Kapal talaga.

Diko nalang sya pinansin.

***

Linggo ngayon, at ngayon na ang alis namin papuntang Batangas.


 Susunduin ako ni Shawn dito sa bahay.

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon