CHAPTER 15 (Savior)

270 7 2
                                    

He’s a Blackmailer ( I Hate en Love Him!)

Written by: puXYCath

CHAPTER 15

“Bakit  tayo nandito? Bakit di mo ako dinala sa bahay namin?”


Nandito kasi kami ngayon sa isang park na malapit sa school.

Iniupo nya ako sa isang bench.

“What do you think your parents will say if they see you like this?”

Oo nga, tama sya. Baka magalala lang sila sakin.

“So ano na ngayon?” tanong ko sa kanya.


“Just stay here okay? Don’t leave, just wait for me.” Tumakbo na sya paalis.

 Saan naman pupunta ‘yon? Baka dina nya ako balikan.

Tik tok!

Tik tok!

Tik tok!


Bakit ang tagal nya? Gabi na, baka nakalimutan na nya ako dito, o di kaya, iniwan nya talaga ako dito para makaganti sya?


Oo tama, ganoon nga siguro. Sinadya nyang dalhin ako dito.


Dahil doon diko na napigilang mapaiyak, natatakot ako.


Huhuhu! Ang sama mong meno ka! Iniwan mo ako dito!

Waaaaaaaaaah!

“Pasensya na kung natagalan ako.” Sabi nya na mukhang tumakbo pa, dahil hingal na hingal.


Hindi nya ako iniwan! Hindi nya sinadya iyon! Thank you LORD!


“Salamat at bumalik ka.” Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. “Saan kaba nagpunta?”


Hindi nya ako sinagot, hinawakan lang nya ang paa ko.


“Medyo malaki pala yang sugat mo.” Sabi nya at may kinuha syang kung ano sa plastic.

Ngayon kolang napansin na may dala pala sya.


“Huwag kang malikot, gagamutin ko yang sugat mo.”

Gamot at bulak pala ang laman ng plastic. Ibig sabihin binili nya ang mga ito kaya sya umalis kanina?

Si Shawn ba talaga ‘to? Pweding paki untog ang ulo ko, baka kasi naghahalucinate lang ako.

Kinurot ko ang sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako.


“Aray!”


Nasaktan ako, so it means, I’m not dreaming.


“Umaaray kana dyan diko panga nauumpisahan.”


“Hehe! Praktis lang.”

“Tss! Abnormal talaga.” Mahina lang ang pagkakasabi nya pero narinig ko.


“Sinong abnormal?”


“Wala, sabi ko akin nayang tuhod mo, gagamutin ko na.”

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon