CHAPTER 42 (Be Happy)

15 0 0
                                    

CHAPTER 42

Jane’s POV

“ Well open up your mind and see like me

open up your plans & then your free

                                    

look into your heart and you'll find love love love”

medyo nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko. Lumilipad kasi ang isip ko.

Tumatawag pala si Calvin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang phone.

“Hello Janela?” tumulo na naman ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Calvin.

Actually kanina pa ako umuiiyak mula ng makauwi ako galing EK.

“C-alvin, na-patawag ka?”

“I just missed you.”

“M-iss nadin k-ita.”

“Wait, are you crying?”

“……….”

“What’s wrong? May problema kaba? Pupuntahan kita diyan.”

“NO! I mean, wala naman, naiyak lang ako dito sa binabasa ko “She’s dating the gangster” namatay kasi yung mga bida.”

“Are you sure you’re okay?”

“Oo don’t worry. Sige tulog kana, bawal magpuyat.”

“Okay, Goodnight, sweet dreams, I love you.”

“Goodnight din.”

Bago ko tuluyang patayin ang phone, narinig ko pa syang bumuntong hininga. As usual, disappointed na naman siya sa sagot ko.

Kainis naman kasi!

Meron namang totoong nagmamahal sa akin, bakit ko pa kasi sinasayang itong luha ko.

FLASHBACK

“okay Ferry’s wheel tayo! By partner 11 tayo, so yung isa 3 sila. At syempre partner ko si Sweetie ko.” At niyakap pa ni Roan si Kevin. Parang may nasesense na ako dito, parang hindi ko gusto ang idea nila.

“Hoy baka langgamin tayo dito!” sabi ni Carl

“Inggit kalang pre! Yan si Jane oh! Partner kayo! Haha!” kinurot ni Roan si Kevin.

Alam na kasi nila na naging kami ni Kevin.

Sina Kaye at Roan ang gumawa ng pairing at tama nga ang MASAMA KONG KUTOB, kami ang partner ni Carl.

Kainis! Sinadya nila ‘to eh alam ko!

Nang makasakay kami sa Ferry’s wheel wala ni isa man sa amin ang nagsasalita. Kakailang! Takte! Kanina ko pa gustong sumigaw, kaso pinipigilan ko dahil kasama ko si Carl.

“Sigaw na. I know kanina mo pa gustong sumigaw.”

Medyo nabigla ako ng magsalita siya.

Kilala talaga niya ako. Alam niya kasi na gustong-gusto kong sumisigaw kapag nakasakay sa mga rides, naeenjoy ko kasi ang mga rides kapag sumisigaw ako at nawawala din ang takot ko kapag ganon.

Tinignan ko siya at….

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah”

Nang makasigaw ako, pasimple ko siyang tinignan. Nakangiti siya.

Sh!t lang! nagagawa pa niyang ngumiti?

Samantalang ako pag nakikita ko siya parang gusto ko laging sumabog.

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon