CHAPTER 2 (Overtake)

426 6 0
                                    

He’s a Blackmailer ( I Hate en Love Him!)

ang cute ng ShaNa love team (pic sa side) ---->

CHAPTER 2:

Kaye’s POV:

“Helo po Tita! Pinapabigay po pala ni Mama.”

Ay si Angelie ‘yon, andito na pala siya.

For sure dire-diretso yun dito sa kwarto ko. At home na at home na kasi yun dito. Ganun din naman ako sa kanila.

Nasa iisang subdivision lang kami. Pero compare mo sa bahay nila ang bahay namin, walang panama ang bahay namin, sobrang laki kaya ng sa kanila.

Diba nga nasabi kona na  mayaman ang pamilya nina Angelie? May sariling business ang pamilya nya. Kami naman nasa middle class lang, manager sa isang kompanya si papa.

“Sige po tita”

narinig kong sabi ni Angelie.

Pustahan tayo dina kakatok yan, basta nalang pa---

“Hello Kaye!”

o kitam? Pero sanay na ko sa BFF kong ‘to

“napasyal ka?”

“kumusta yung Scholarship thingy?”

tignan mo tong babaeng to, dapat bang sagutin ng tanong ang tanong ko? Maloko nga siya.

*sob*… 

*sob*…

“uy napano ka?”

sige Kaye, drama pa

“huwaaaah!!!!”

grabe gusto konang tumawa sa reaction nya.

“uy! Ano ba tama na. may iba pa naman sigurong paraan para makakuha ka ng scholarship.”

Lalo ko pang nilakasan ang iyak ko.. hahaha!!! Nag eenjoy akong lokohin sya.

“best” naiiyak na din siya.

“best, tama na, sige ibibigay ko nalang sayo yung kalahati ng allowance ko.”

Eh? Seryoso siya?

“okaya papakiusapan ko si Daddy na sya na bahala sa tuition mo”

hahaha!!! Seryoso talaga siya

“wahahahaha!!!!”

tawa ako ng tawa habang hawak ko ang tyan ko.

“hala, Best nababaliw kana ata.”

Sabay yug-yog sakin.

“bakit ka tumatawa?”

“kasi… hahaha! Ikaw… hahaha!... yung itsura mo… hahaha!”

grabe di ko talaga mapigilan na hindi tumawa.

“ginugood time mo lang ako?”

nag pout pa sya. “galing ko palang umakting, napaniwala kita..hahaha!”

“sino bang hindi maniniwala. Maka ngawa ka dyan wagas. Ihh! Kainis ka naman eh! You’re so mean!”

hala nag walkout,napikon ata.

“uy best sorry, nagjo-joke lang naman ako.”

Hinabol ko siya palabas ng kwarto. Ng maabutan ko siya, hinila ko siya pabalik sa loob.

“kainis ka naman kasi eh.”

“sorry na. promise diko na uulitin. Na miss ko lang kasi ang pangungulit sayo. Ang tagal nating di nagkita. Sobrang miss kita”

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon