CHAPTER 28 (Part 1) With the gang

114 2 0
                                    

He’s a Blackmailer (I Hate en Love him!)

Written by: puXYCath


CHAPTER 28

Kaye's POV

"Hoy Black isalin mo na yan!"

Utos ko kay Shawn na hawak hawak ang kaserola na may lamang tubig.

Nandito kami ngayon sa kusina para magluto ng handa ni Sam.

Nagluluto kami ng Maja Blanca.

 Kung natatandaan nyo sarap na sarap sya doon sa luto ni Mama, kaya ngayon pinilit nya akong lutuin ito.

 Buti nalang tinuruan ako dati ni Mama kung paano gawin ang Maja Blanca.

"Hindi pa ba luto yan?" Inip na tanong nya.

"Eh kung ikaw kaya ang maghalo nito, ang bigat kaya, kesa magreklamo ka dyan. Mainipin ka talagang black ka!"

"Akin nanga yan!" kinuha nya sa akin ang sandok at sya na ang naghalo.

"Bakit ba black ka ng black sakin? Ano bang ibig sabihin nun?" Tanong nya habang tuloy parin sa paghalo.

"Ay shungek! Ano ba sa tingin mo ang black? Edi syempre itim! Haha! 'Di joke lang, Black, short for Blackmailer!"

"What?! Blackmailer?"

"Yep! You're a blackmailer right?"

 And thanks to that, dahil sa pangba-blackmail nya nakasama ko sya at nakilala ko sya.

"Tss!" Yan na naman ang pamatay nyang 'tss'

"Pwede na siguro yan, patayin mo na ang st0ve.”

10 minutes later….

"Wow Yana ang sarap talaga nito."

"Halata nga, halos maubos mo na nga yan eh. Grabe ka, parang isang dekada kang hindi pinakain sa inyo.”

"Eh sa hindi ako nagsasawa."

 Nilagyan na naman nya ang platito.

"Pwes simulan mo ng magsawa baka wala na tayong ihanda mamaya."

"Never akong magsasawa sa luto mo, at sayo."

May binulong sya pero hindi ko narinig.

 "Bilisan mo nanga dyan, para malagay na doon sa labas"

"Ate, ikaw ba nagluto nito? Ang sarap!"

"Magaling talaga magluto si Kaye, BFF ko ata yan!"

Narinig ko ba si bessy? lmposible, panu naman makakarating dito yun?

"Uy bes!"

Lumingon na ako sa likod ko ng parang narinig ko ulit ang boses nya.

"Waaaah! Bessy!"

Niyakap ko sya.

"Bakit nandito ka?"

 l gave Sam a 'pakana-mo-ba'to' look

"Si kuya ang may idea nyan. Para daw sumaya ka."

Ha? Si Shawn? Di nga?

Papasalamatan ko sana sya kaya lang umalis sya, pinuntahan nya ang ibang Sixtreme.

 Nandito din pala sila. yes! Andito din si Dave!

Ay heto na naman ako.

"Kaye kumusta?"

Bati agad ni Dave ng makalapit sila sa amin.

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon