CHAPTER 39 (Its a bluff)

64 2 3
                                    

CHAPTER 39

Roan's POV

*Kring! Kring!*

Sino ba ang tumatawag na'to?

Ke aga-aga! lstorbo, inaantok pa ako.

Pagtingin ko sa screen si Kevin lang pala!

Late nanga nya akong pinatulog kagabi sa kakatawag at text nya, tapos ngayon 5:00 palang ng umaga tumatawag na naman?!

"Kev naman! Hindi kaba tumitingin ng oras? Ang aga aga pa! Sinisira mo ang tulog ko! Kagabi kapa!" sigaw ko sa kanya habang nakapikit pa sa sobrang antok.

"Ah, pasensya na iha, emergency lang kasi."

O___O!

"Tita?!"

"Oo, pasensya na kung naistorbo kita."

Gosh! Mommy pala ni Kevin ang sinigawan ko!

KAKAHIYA!

"Ah, hehe! Okay lang po, sorry din po. Bakit po pala kayo napatawag?"

"S-si Kevin kasi..." Napatigil sya sa pagsasalita at parang narinig ko syang humihikbi. Kinabahan ako bigla.

"Bakit po? Ano pong nangyari kay Kevin?"

"Si *sob* Kevin *sob* he's in...the hospital."

"Oh my God!"

Napatakip ako sa bibig sa narinig ko.

----

"ls he okay? Ano po bang nangyari?" l asked worriedly, ng makita ko si tita Brenda, Mommy ni Kevin na paikot ikot sa harap ng emergency room.

"lha!" Yumakap sya sa akin sabay umiyak.

"Tita, ano pong nangyari? Kumusta napo si Kevin?"

Humagulgol ito ng iyak.

"The doctor said, his life is in danger."

"No!"

Napaiyak narin ako.

"Ano po ba talaga ang nangyari?"

"Nabangga ang kotse nya sa isang  truck."

Umiiyak parin na sabi nya.

Bigla namang lumabas ang doktor mula sa ER.

"I'm sorry, we did everything, but..."

 Hindi na namin narinig ang iba pang sinabi ng doktor dahil lumakas na ang iyakan namin."

"No! My son!..." halos mag hysterical na si tita.

"B-bakit? Kevin naman eh!" sabi ko na nanginginig ang boses, parang kausap ko lang sya.

"Hindi kapa pwedeng mawala! Dipa kita sinasagot! Ang daya mo naman eh! Kung kailan mahal na kita saka mo ako iiwan? Nakakainis ka e! You're so unfair!"

 Para akong batang nagmamaktol, pero sobrang sakit ng nararamdaman ko.

 Niyakap ulit ako ni tita Brenda.

"lha, stop crying na, l've heard enough." aniya at kumalas ng yakap sa akin at nagpunas ng luha.

Naguluhan ako sa sinabi nya.

She heard enough?

What does she mean?

l gave her a confused look.

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon