CHAPTER 19 (Sleep over)

160 2 0
                                    

He's A Blackmailer (I Hate en Love Him!)

written by: puXYCath


Chapter 19


Shawn's POV

Nanood muna ako ng TV habang hinihintay si Yana.  

Mga ilang minuto palang ang nakalipas, ng parang may maramdaman akong may tao sa likod ko kaya lumingon ako.


Suot na nya ang damit na binigay ko sa kanya.

"Okay naman pala ang damit ko sayo eh, ang cute mo tignan."

Oh F@ck! Sinabi ko ba iyon? 


Eh ang cute naman kasi nya dun sa damit eh. 

Pansin ko namula sya at napangiti doon sa sinabi ko. haha! kala nya diko nakita.

Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala nya pag nakangiti.

Amfufu! Ano bang mga sinasabi ko?


"umpisahan na natin?" Pinatay ko na ang TV at lumapit na doon sa mesa.

Sandali lang kami natapos dahil kaagad ko namang nakuha ang tinuro nya.

Oh diba sabi ko sa inyo hindi naman talaga ako bobo sa math eh, tamad lang talaga.

At isa pa, ganado lang talaga akong mag-aral ngayon.

Ewan ko ba, naalala ko lang yung ngiti nya parang namomotivate akong makinig sa mga tinuturo nya.


"Kumain muna tayo. Sandali lang, kukuha lang ako ng pwedeng kainin sa may kusina ."

Naghanap ako ng makakain at nakita ko na may cake pa sa ref. Meron ding pizza, kumuha din ako ng sofdrinks. 


Nilapag kona ang mga pagkain sa mesa na nasa sala.

Kumain lang kami ng kumain.

*Burp!* Kami yan. ang lakas ng dighay namin. nagtinginan kami


"Pfffffffffftttttttttt...wahahahahaha!

Nagtawanan pa kami.

"Ang lakas ng sayo!" Turo nya sa akin sabay tawa.


"Mas malakas kaya yung sayo!"

"Hindi ka-- Burp!" Dumighay na naman sya.


"Hahahahaha! Kita mo na!"

"Oo nga. grabe, nabusog kasi ako."


Matapos ng mahabang tawanan, niligpit na namin ang pinagkainan namin.


"Uwi na ako.", sabi nya.

Tumayo ako at tumingin sa may bintana.


"Malakas parin ang ulan, patilain mo muna bago ka umuwi."

Bumalik na ako sa couch.

"Malakas pa? Naku naman, mag-gagabi na."

"Manood muna tayo ng movie habang hinihintay nating tumila ang ulan."

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon