CHAPTER 10 (Dance)

280 3 0
                                    

He’s a Blackmailer (I hate en Love Him!)

Written by: puXYCath


CHAPTER 10

Kaye’s POV


“Ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko!”


Nabigla nalang kasi ako ng hinila ni Shawn ang kamay ko.

“Ano bang problema mo?” inis na tanong ko sa kanya.

“Anong problema ko? Ikaw nga dyan eh! Bakit ka nakikipagsayaw sa kanya?”

“Ano bang pakialam mo kung makipagsayaw ako sa kanya?”


Nakakainis ‘tong lalaking ‘to ah!


“Oo nga pare, hayaan mo sya.” Sabi ni Bryan.


“Huwag kang magsalita, hindi kita kinakausap! At ikaw makikipag sayaw ka sa hindi mo kilala?”

“At sinong nagsabi sayong hindi ko sya kilala?”


Hm! Natahimik ka no? pakialamero kasi!

“Kilala mo sya? Takang tanong nya.

“Oo, classmate ko sya noong high school.”

Kilala ko ang lalaking ito, si Bryan, classmate ko sya noong high school, nanligaw sya noon sa akin, pero binusted ko sya. Ayaw kopa kasing mag boyfriend noon.


Nalaman ko na kaya pala sya nandito ay kilala daw nya yung kapatid ni Dave at nagaaral din sya sa SHU.


“Kahit na, hindi ka parin pwedeng makipag sayaw sa kanya. At ikaw!” turo nya kay Bryan . “hindi mo ba ako kilala?”

Tinignan nyang mabuti si Shawn.

“S-Shawn? Shawn Carson?” parang takot na sabi nya.

“Oo ako nga!”

“Ah, s-sorry di kita nakilala, ahm Kaye sige alis na ako.”


“Te----.” Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na sya paalis.


“Ikaw ano bang problema mo talaga?! Bakit mo sya pinaalis, at bakit ba ayaw mo akong makipagsayaw sa iba?!”

Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa amin ang mga tao. Pero wala akong pakialam! Naiinis ako!

“Nakakahiya tuloy kay Bryan!”


“Hayaan mo sya.”

“Bakit monga kasi sya pinaalis?”

“Kasi gusto ko tayo ang… ang ano…. Ah….mag…. sayaw.”

Eh? Totoo ba ang narinig ko? Gusto nya akong makasayaw?

“H-Ha? Anong sabi mo?” tanong ko, baka kasi mali lang ako ng dinig.

“Bingi kaba? Sabi ko tayo ang sumayaw.” Parang nahihiya pa nyang sabi.

“Bakit? Wag mong sabihing may gusto kana sakin.”

“Asa ka! Ako magkakagusto sa gaya mong payatot? Never!”

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon