CHAPTER 13 (Meeting the family)

256 3 1
                                    

He’s a Blackmailer (I Hate en Love Him!)

Written by PuXYCath

CHAPTER 13

Shawn’s  POV

“Sandali Shawn!” Napahinto ako sa paglalakad ng bigla syang magsalita.

Narealized ko na hawak ko pala ang kamay nya. Naramdaman ko na namumula na ako.

Takte! Im so gay!

Umiwas ako ng tingin, at nagsimula na akong maglakad para di nya mahalata.

Pusha! Bakit ang weird ko ngayon? Parang hindi ako ito.

“Pumasok kana sa loob.”

Narito na kami sa bahay nina Yana.

Kanina pa nya ako pinipilit na pumasok.

Gusto nyang kumain muna ako. Pero di talaga ako mahilig sa mga ganitong handaan.

“Ayoko nga sabi eh!”

Biglang may lumabas na babae, medyo may edad na ito pero maganda parin, ito siguro ang Mama ni Yana.

“Anak nandito kana pala, bakit dipa kayo pumasok nyang kasama mo? Halika na iho.” Sabi nung babae.

“Sige po Ma, susunod na kami.” Ani Kaye dun sa babae, tinawag nya itong Mama, so tama ako, Mommy nya iyon.

Pumasok na ulit sa loob yung babae.

“Sige na kasi, saglit lang naman. Andito kana rin lang.” Aniya at hinihila ako na parang bata.

At after  5568754476765577923 years na kakapilit, pumayag narin ako. Eh paano ba naman, kinuha nya ang susi ng kotse ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila, nakita ko si Gela? Geline? Gelina?  Ah basta yung bestfriend nya.

May isang matandang lalaki na tatay siguro nya. At may isa ring lalaki na halos kasing edad ni Sam, maybe that’s her brother.

“Shawn? Is that really you? Wow! I didn’t expect you here.” Gulat na sabi ng bestfriend ni Yana. Natural ako ‘to as if naman may kamukha pa ako. Nagiisa lang ang gwapong tulad ko.

“Tss! Whatever!” sinungitan ko na lamang sya. Ako rin naman diko ineexpect to. Kung hindi lang kinuha ng bwisit na payatot na ‘to ang susi ko.

“Sungit!”-Bestfriend ni Yana.

“Pagpasensyahan mo na yang masungit nayan bess. Tara Shawn, ipapakilala kita sa family ko.” Ani butiki, sabay higit sa akin.

“Ma, Pa, Kyle, si Shawn, schoolmate ko.”

“Hello!” sabay sabay na bati nila.

“Hi!” walang gana kong sabi.

                               

“Ay kumain na kayo.” Binigyan ako ng plato ng Mama ni Yana.

Maraming nakahandang pagkain, at halos hindi ko alam ang tawag dahil ngayon ko palang nakita. Spaghetti lang ang alam ko. Pero allergic ako sa catsup kaya hindi ko alam kung ano ang kukunin ko dun sa ibang pagkain dahil nga ngayon ko palang sila nakita.

Tapos ng kumuha ng pagkain si Yana, pero ako wala pa ni isang laman ang plato ko.

“Akin nanga yang plato mo, ako na ang maglalagay ng pagkain.”

“Wag yan!” pigil ko sa kanya, lalagyan nya kasi ng spaghetti ang plato ko.

“Bakit? Dika kumakain nito?”

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon