CHAPTER 3 (Bakla)

343 7 1
                                    

He's a Blackmailer ( I Hate en Love Him!)

(Si David John Alcantara) ^

CHAPTER 3:

Kaye’s POV

Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Napaka sama ng ugali! Buti nalang laging nandoon si Dave.  

Nandito nga pala ako ngayon sa student center, hinihintay si bestfriend.

Napapa smile parin ako pag naiisip ko si Dave, crush na crush kona siya. Pero naiinis din ako pag naaalala ko yung menopause na yun. Para na tuloy akong baliw dito, ngingiti tapos biglang mapapa simangot.

“hoy na pano ka?” sa wakas dumating na si bessy.

“bakit parang bwisit na bwisit ka dyan?”

“pano yung sinasabi ko sayong  gwapong mayabang, ay hindi pala gwapo, mayabang lang, basta yun. Nakikisingit ba naman sa pila sa may canteen, di man lang marunong pumila. Buti nalang andun yung kaibigan nyang mabait, Dave pala pangalan nun.”

“Dave ba kamo?”  ay kakasabi nga lang na Dave. Bingi naba si BFF?

“oo bakit?”

“gwapong mayabang na masungit?”

“Oo, bakit nga?”

“lima ba sila at pang anim yung Dave? At Shawn ba pangalan nung leader nila?”

“Oo,6 sila, and Shawn nga ata name nya. Bakit ang dami mong tanong?”

“ay kilala kona yang sinasabi mo.Sixtreme ang name ng group nila, leader nila si Shawn. Business management din course nila, ka batch ko sila, iba nga lang ng section. Sikat sa school ang sixtreme, maraming nagkakagusto sa kanila, lalo na kay Shawn. Ako nga crush ko yung isang member, si Blake, kaso napaka playboy nun.”

“ganun pala yun? Parang F4 lang. pero bakit parang iba ata si Dave sa kanila? Ang bait nya.”

“Oo, nagtataka nga kami kung paano nya natatagalan ang ugali ng mga kasama nya eh.”

“Oo nga. Pero pinaka kinaiinisan ko talaga yung leader nilang masungit. Kala mo kung sino makaasta.” Hay! Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking iyon.

“ay fren wag kanang mag taka kung ganun yun. Palibhasa pamilya nya ang may ari nitong school. Tita nya ang nagpapatakbo.”

“talaga? Kaya naman pala napaka presko.” Ang yaman pala ng mokong nayon.

“Oo, marami ng pinahiya yon. Walang sinasanto, kahit babae pinapatulan. Marami nangang babaeng pinaiyak yun eh. Napaka playboy din gaya ni Blake. Kaya napaka daming galit sa kanya. Di lang sila maka angal dahil takot silang mapaalis sa school.”

“kinukunsinti ng tita nya ang mga kalokohan nya?”

“ hindi, pero gagawa sya ng paraan para sirain ka, ng sa gayon mapapaniwala nya ang tita nya na may kasalanan ka. Like what he did last yr. may naka-away syang guy. At para mapaalis yung lalaki, sinabi nya sa tita nya na pinagbabasag nila yung mga salamin sa gym. Pero ang totoo may inutusan lang sya para gawin iyon. At kahit may ibang nakaka alam, hindi sila nagsusumbong, takot lang nilang mapag initan ng Sixtreme at mapaalis sa school na’to. Alam mo naman ang reputation ng SHU diba? Kahit ganoon ang mga nangyayari gusto parin nilang mag-aral dito.”

“grabi naman pala ang sama ng ugali ng lalaking ‘yon.” Kaya pala ganun nalang yung takot nung lalaki sa canteen kanina.

“sinabi mo pa. maiba ako, may gagawin kaba sa Wednesday? May pasok kapa ba ng 3:00?” meron nga ba akong gagawin?

“wala na, hanggang 2:30 lang kami. Why?”

“magpapatulong sana ako. May musical play kasi kami sa friday, diba sabi ko member ako ng theater club? Kukunin ko sana yung mga costume and yung mga gamit sa paggawa ng props, medyo marami kasi, diko madadala lahat. Okay lang ba?”

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon