CHAPTER 8 (The Kiss)

300 3 0
                                    

He's a Blackmailer (I Hate en Love Him!)

CHAPTER 8

Kaye's POV

Halos kakatapos lang ng klase namin ng biglang magring ang cellphone ko.

blackmailer calling...

Ano na naman kaya ang kailangan ng mokong na'to? Baka pagtripan na naman ako.

Naalala ko tuloy yung ginawa nya nung isang araw. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko 'nun ng akala ko ay hahalikan nya ako.

"hello Shawn?"

[where are you? Do you still have a class?]

"nandito ako ngayon sa building namin. Kakalabas ko lang. Baket may kailangan ka?" Masungit na tanong ko.

"go to my condo. now. Darating si Sam mamayang 7pm. Hindi makakarating si manang kaya ikaw muna ang maglinis, pero wag mong lilinisin ang kwarto ko."

Pagkasabi nya noon ay binaba na nya ang cellphone.

Aba! Pagkakaalam ko PA lang nya ako at hindi kasambahay. Pero darating daw si Sam, l really missed that cute little girl.

Si Sam nga pala, kapatid ni Shawn iyon, ang cute at napaka energetic, ang saya nya kasama, malayong malayo ang ugali niya sa kapatid.

Kahit dalawang beses ko palang syang nakita, naging close narin kami. Ang bait pa nya sakin, siguro gusto nyang magkaroon ng kapatid na babae.


Sige maya nalang ang kwento, pupunta na ako sa unit ni sungit, baka mamaya magalit pa sakin yun, alam nyo naman nagmemenopause kaya masungit.

*condo*

"oh great! Just great! Ang linis naman pala dito" Note the sarcasm.

Grabe lang ha, napaka, super, duper sobra naman ang pagkaburara ng lalaking iyon!

Okay ako na ang exag. Pero ang kalat talaga eh.

Hay Kaye, kaya nga lilinisin dahil makalat, sige try mong linisin ang malinis.

Nakikita ko palang, napapagod nako. Hindi man lang itapon sa basurahan ang mga coke in can.

Pulot lang ako ng pulot, halos buong parte ata ng unit nya may kalat! Pati maruruming damit kung saan saan nalang hinagis.

Pero infairness, mabango parin kahit nasuot na.

At talagang sininghot-singhot kopa!

linis...

linis...

linis...

Hay sa wakas after how many years natapos din.

Kumuha ako ng tubig sa ref at umupo sa dining table at sa sobrang pagod..

poof!

zzzZZZ! Nakatulog ako.


Shawn's POV

Wala akong magawa dito sa sixtreme, kaya nagpasya nalang akong sunduin si Sam, tutal wala akong date ngayon dahil binreak ko na yung girlfriend ko.

Alam nyo na, l already get what l want. And tinatamad muna akong mambabae ngayon, l dont know why, parang mas gusto ko pang inaasar si butiki, kesa sa mambabae.

Kung itatanong nyo kung pano ko sya binreak...

FLASHBACK

My Princess calling...

He's a Blackmailer (I hate en Love Him!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon