chapter 30

1.4K 29 0
                                    

Chapter 30

Almira’s POV

Its so good to be true.

Ito ang tumatakbo sa utak ko.

Akala ko matapos ang gabing yun magiging okay pa rin ang lahat. Akala ko wala ng problema.

Nagising na ako sa panaginip ko.

Niloko nya lang pala ako. Kinuha nya lang yung gusto nya.

Ang tanga ko para maniwalang mahal nya ako.

Sino nga bang magseseryoso sa isang katulad ko.

Nakakainis ka Glenn. Nakakainis ka.

Ngayon ko lang napagtanto na ibinigay ko ang lahat pati ang sarili ko sa isang estranghero.

Limitado ang nalalaman ko sa kanya ni hindi ko alam kung san talaga sya nanggaling.

Until nung nakilala ko ang papa nya.

*FLASHBACK*

Iyak ako ng iyak nun, two days ng hindi nagpapakita si Glenn.

Sobrang nag-aalala na ako sa kanya.

Hinanap ko na sya sa mga classmate nya. Pero hindi rin nila alam.

Sinubukan ko syang tawagan sa cellphone nya pero out of reach sya palagi.

Irereport ko na sana sa pulis yung pagkawala nya.

Pero hindi na yun natuloy dahil may dumating na limang lalaki sa apartment namin.

Nung una hindi ko maiintindihan dahil pagkakita pa lang nila sa akin may tinawagan agad sila sa phone.

“Sir may nakita po kaming babae dito”

…….

“Sige po sir”

…….

“Aalisin na po namin yung mga gamit sir.”

………..

Nakatungaga pa rin ako sa kanila. Wala pa din akong naiintindihan.

Natapos na yung pag-uusap nila sa phone.

Tuminigin sa akin yung isang lalaki.

“Kunin nyo ang babaeng to at isakay nyo sa sasakyan natin. Alisin nyo na rin yung mga gamit ni Sir Glenn.” Si mamang taba.

Hinawakan ako nung isa sa braso ko.

Sobrang higpit ng pagkakahawak nya.

“Ano ba bitawan nyo ako. Nasasaktan ako Anong ginagawa nyo sa apartment namin.”

Pero hindi sila nakikinig sa akin.

Ang malas ko naman dahil walang tao sa paligid. Kahit sumigaw ako ng tulong walang makakarinig sa akin.

Nakita kong hinalungkat nila yung buong bahay. Kinuha nila yung mga gamit ni Glenn.

Dinala na nila ako sa sasakyan nila.

Natatakot at kinakabahan na ako.

San nila ako dadalhin?

“Hoy san nyo ba ako dadalhin ha?” ~ako

“Kikidnapin nyo ba ako? Wala akong pangransom mahirap lang kami”

“Hoy bakit nyo kilala si Glenn ha?”

“Anong ginawa nyo sa kanya ha?”

“Bakit nyo hinalungkat yung apartment namin ha.”

Pero walang tumutugon sa kanila.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon