Chapter 3
Almira’s POV
Nagbihis na agad ako. Inihanda ko na yung mga notebook at libro ko gagawa ako ng assignments ko. Nagpatugtog ako ng malakas feeling ko kasi masginaganahan ako kapag may music. Lalo na yong mga kanta ni Taylor Swift. (sorry po fan po kasi ako ng mga kanta ni Taylor Swift)
Glenn’s POV
Nakaainis naman tong bago kong kapitbahay. Ang lakas magpatugtog. Nakakabarino. Gusto kong mag-aral may quiz pa ako para bukas. Gusto ko pa naman iperfect yun. Teka mapuntahan nga yung walang kwentang istorbong kapitbahay ko. Tumayo na ko sa pagkakaupo ko.
Katok ako ng katok dun sa pinto nung kapitbahay ko. Anu ba yan. kaya pala ang lakas magpatugtog bingi ang tao dito. Aba nakakailang katok na ko ah.
“Sandali lang” ayun may sumagot din. Pagkabukas nung pinto eto ang itsura ko at nung kaharap ko.
------> O_O
“Ikaw?” sabay naming sabi.
“Bakit ba hinahabol ako ng malas?” sabi ko.
“Hoy, lalake hindi ako malas. At saka ano ba ang problema mo at dinala ka rito ng masamang hangin ha?” ganti naman nung babaing yun.
“Alam mo miss, nakakaabala ka sa ibang tao sobrang lakas mong magpatutugtog ng DVD mo, hindi ako makapagconcentrate sa pag-aaral ko. Pwede bang pakihinaan naman?”
Almira’s POV
Ok medyo napahiya ako dun. Sorry naman sa tinagal tagal ko namang kasing nakatira sa bahay na to ngayon lang may nagreklamo sa akin tungkol sa pagpapatutog ko
“Okay, hihinaan ko na.” pinuntahan ko yung DVD at binabaan ang volume. “Okay na? Masaya ka na?” Umalis na yung lalaki sa harap ng apartment ko na walang imik.
Napasimangot ako “Nakakainis talaga ang lalaking 'yon”

BINABASA MO ANG
UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)
Non-FictionIniisip mo ba na pangit ka dahil walang magtangkang manligaw sayo? Kung hindi, ako OO. I am Almira Sanchez 19, never been touch never been kiss, hindi ko alam kung bakit. Kung sabagay masasabi ko ba na maganda ako kung sarili kong nanay hindi makasa...