Chapter 9
Simang’s POV
Nakakainis yung dalawang yun sa harap ko pa naglalampungan. May subuan effect pa silang nalalaman. Ok sila na ang close sa unang pagkikita.
Nakakabarino talaga. Yung Miray pa na yun. Nasabihan lang na maganda ni Lucas tuwang tuwa na. Kahit di yun nagsalita kanina alam ko na Masaya yung babaeng yun. Kitang kita kasi sa mata niya. Teka bakit ba ako naiinis ng ganito?
Makabalik na nga lang don baka kung ano sabihin ng mga yon. Pero nong nasa may pinto na ako uminit na naman ang ulo ko nong narinig ko silang nagtatawan. Anak naman ng tokwa oh. Bakit ba ako nagkakaganito? Haixt…. Huwag na nga lang pansinin. Ignore ignore. Wala lang to. Makabalik na nga lang sa sala. Nanuod na lang ako ng Television.
Kakaupo ko pa lang nang lumabas yung dalawa. “Oi Bro alis na ko. Balik na lang ako ulit. ” sabi nong mokong na bestfriend ko tapos humarap kay Miray “Al sorry di na kita maihahatid.”
Nakita ko na naman yung saya sa mata ni Miray. Bakit parang nalungkot ako. Haisst.
“Okay lang. Dyan lang naman sa tabi yung bahay ko”
“Ok see you again”
Umalis na si Lucas pero naiwan pa rin si Almira. Tiningnan ko siya at binigyan ng anong-ginagawa-mo-pa-dito look. Mukhang nagets naman niya kaya nagsalita na siya.
“Haist. Nakasimangot ka na naman. Gusto ko lang naman magthank you kaya di pa ako umuuwi. Sige bye Simang. See you” tapos ngumiti siya pagkakita ko nun nawala ng inis ko kanina sa kanya.
Miray’s POV
Haist salamat natapos rin ako mamili. Kakauwi ko lang dito sa bahay galing sa grocery store. Ayoko na mawalan ng laman ang ref ko. Ayoko na maulit yung nangyari sa akin kahit may magandang result yung pagkahimatay ko. Dahil kung hindi ako nahimatay hindi ko makikilala ang gwapong nilalang na si Lucas. Haist, ang gwapo niya talaga.
Makapagluto na nga lang and after an hour natapos ko lutuin yung pinaksiw na pork. Naisipan kong dalhan sa Simang since friends na naman kame at makabawi dun sa pagtulong niya sa akin.
Kumuha na ako ng tray at nilagay ung bowl with my specialty.
*knock* *knock*
And ayun nagbukas na yung door.
“Oh anong kailangan mo?” ang sungit talaga ng lalaking to.
“Ahm dinalhan kita nong niluto ko. You know para makabawi dun sa pagtulong mo sa akin nong nahimatay ako.”
“Sigurado ka na walang lason yan?”
“Ano? Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mo. Kasi kung ayaw mo ibabalik ko na lang to” ang sama talaga ng Simang na to gusto ko lang naman talaga sya dalhan ng pagkain eh.
“Sorry Okay.” Kukuhanin din naman pala eh.
“Sige bye” aalis na sana ako kaya lang tinawag niya yung pangalan kaya lumingon ako.
“Bakit?”
“Sabayan mo naman ako kumain. I bet hindi ka pa naman kumakain kasi mukhang bagong luto pa lang tong ulam na niluto mo?”
Okay end of the world na ba? Niyaya talaga ako ni Simang na sumabay na kumain sa kanya? Eh inis nga lagi yan sa akin eh.
Tapos narinig ko ulit siyang nagsalita. “Huwag na nga lang mukhang ayaw mo naman”
“Hindi, Hindi. May kukunin lang ako saglit sa apartment ko tapos kain na tayo pagbalik ko.”
So yun pagkabalik ko kumuha ako ng fruit salad na binigay ni Baby at nagdala ulit ng konting ulam baka kasi kulangin kame eh. hehehe. Iba na yung sure. Pagkabalik ko kumain na kame. Hindi na ako nagtanong kung bakit inaya nya ako na dito kumain baka magalit pa eh. hehehe
Pagkatapos namin kumain nagvolunteer ako na ako na maghuhugas ng pinggan. Hindi naman tumutol yung mokong. Akala ko pa naman pipigilan ako. Like in the movies that I’ve watch masyado pala akong nagfeeling.
After I’ve wash the dishes I decided to seat in the sofa and I notice na hindi pa pala naayos ni Simang yung mga gamit niya.
“Uy Simang gusto mo ayusin ko yung mga gamit mo?”
“Bahala ka. I’m busy reading here. Tsaka stop calling me nga Simang.”
“Yeah What ever”
So inayos ko na yung mga gamit. At sa pag-aayos ko nakita ko yung class cards niya. and huwah. Nakakahiya icompare yung grades ko sa grades niya. Yung akin kasi puro 1.75 lang. Eh mas malala pa siya kay Charice eh remember yung pinakamatalino kong kaibigan. Kung si Charice nakakakuha ng dalawa o tatlong 1.25 sa isang semester etong si Simang isang beses lang ata nakakakuha ng 1.25 sa bawat semester and the rest is uno.
Hay nakakapagod yung ginawa kong pag-aayos dun sa gamit ni Simang. Nakakauhaw pa, kaya pumunta ako sa ref niya para makakuha ng maiinom. Hindi naman siguro yun magagalit kung kukuha ako ng maiinom dito. May nakita ako nong parang bote ng Gatorade. Ahm ininom ko yung laman nong bote. In fairness masarap siya. Lasa nga syang chocolate. Ahmmmm Antalap talap.
Nung maubos ko yung laman nong bote. Wow umiikot yung mundo. Tapos nakita ko si Simang na lumabas nong kwarto niya.
BINABASA MO ANG
UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)
Non-FictionIniisip mo ba na pangit ka dahil walang magtangkang manligaw sayo? Kung hindi, ako OO. I am Almira Sanchez 19, never been touch never been kiss, hindi ko alam kung bakit. Kung sabagay masasabi ko ba na maganda ako kung sarili kong nanay hindi makasa...