chapter 15

1.5K 34 0
                                    

Chapter 15

Glenn’ POV

Naglalakad na ako papuntang room ko. pagkabukas na pagkabukas ko nong pinto. Nakita ko yung mga kaklase ko na nakatingin sa akin.

“Bakit?” sabi ko habang papunta sa upuan ko.

“Totoo ba yung balita na live in partner mo daw yung Almira Sanchez ng CAS department?” sabi nung seatmate ko na hindi ko na matandaan ang pangalan.

“Yes were living in a same house but it’s not what you think”

“So totoo nga yung balita?” sabi naman nung isa pa.

“Sabi ng it’s not what you think nga” hindi na sila nagtanong

Pero sa sarili ko sana nga totoo yung balitang live in partner nga kame. Gustong gusto ko talaga si Almira. Bukod sa parang mommy ko sya mag-alaga (hehehe.. gumagana na naman ang pagiging mama’s boy ko.. eh anu bang magagawa nyo eh mahal ko ang mama ko) eh basta hindi ko alam kung bakit gusto ko parati syang kasama. Tulad ngayon kasisimula pa lang ng araw gusto ko na maghapon kasi alam ko pag-uwi ko makakasama ko na ulit si Almira

Napanting yung tenga ko nung may narinig akong masama tungkol kay Almira

“Bakit yung babaeng yun eh ang panget panget naman ng babaeng yun.”

“Oo nga. Eh mas maganda pa nga yung poodle ko eh”

“HAHAHA” nagtawanan pa yung mga bruha

Hindi na ako nakapagpigil pa. Sa lahat ng ayaw ko eh yung lalaitin si almira. Kung hindi lang babae tong mga to papatulan ko na tong mga to.

Hinarap ko sila at binigyan ng masamang tingin. “PWEDE BA HUWAG NGA KAYONG MANLALAIT KUNG HINDI NYO PA NAKIKITA ANG MGA SARILI NYO SA SALAMIN. AKALA NYO KUNG SINO KAYONG MGA MAGAGANDA. EH MUKHA NAMAN KAYONG BISUGO SA SAMA NG UGALI NYO”

Natameme yung mga tao sa paligid ko tapos dumating na yung prof ko kaya bumalik na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko at nagsimula na kame magklase.

Simula ngayon wala nang manlalait pa kay Almira. Humada sa akin ang lahat ng manglalait sa kanya. Masyadong nawawala ang confidence niya sa sarili nya dahil sa mga taong mapanlait na tulad nila.

Almira’s POV

Naglulunch kame ngayon sa canteen ng school. Nang biglang dumating si Claire (remember yung nagshift sa course na medicine at yung nag birthday).

“OI” sabay batok sa akin ni Claire

“Aray naman”

“Bakit hindi mo sinasabi na may live in partner ka na pala?”

“Were living in a same house but it’s not what you think”

“Ah at talagang parehas pa kayo ng sinabi”

“What do you mean?” sabi ko

“Di ba kakalase ko tong si Glenn? At tinanong din sya ng mga kaklase ko kung totoo yung balita and guest what parehas na parehas ang sagot nila exact na exact. Alam mo Al lalo kayong nahahalata eh.”

“Hay ewan ko sa inyo”

Nagsalita ulit si Claire “Alam nyo may masarap sabutan sa mga kaklase ko kanina. Sabihan ba naman na pangit si Almira if I know inggit lang yung mga yun kay Al eh. Kung hindi lang talaga ako maooffice sinakal ko na yung mga yun eh.”

Nalungkot ako nung marinig ko yun. Napatungo na lang ako Hay.. dapat sanay na sanay na ako sa mga ganyan eh. alam nyo yung masmasakit? Lalo kong narealize na never magkakagusto si Glenn sa akin. Hanggang pangarap ko na lang sya.

“Pero ito masayang part mga friend. Ipinagtanggol lang naman sya ng kanyang Glenn.”

Napatunghay ako nong marinig ko yun. Nakatingin na sa akin ng nakakaloko yung mga kabarkada ko.

“YIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEHHHHHHH”

“Kwento pa dali” sabi ni Zaira na sabik sa Chismis

Kwento lahat ni Claire yung pangyayari at natuwa naman ako dahil hindi ko akalain na ipagtatanggol nya ako ng ganun. Lalo kong nagustuhan si Simang dahil dun sa pagtatanggol nya sa akin.

“Kinikilig naman ako” sabi ni Jessica.

 “Worth it naman pala ang paghihintay nitong si Almira sa prince charming nya” sabi naman ni Zaira

“Correct friend. Im so happy for you Almira” sabi naman ni Charice.

“Sa wakas may love life ka na”

“Anong love life ang pinagsasabi nyo dyan”

“Kelan mo ba ipapakilala ng personal sa amin yang live in partner mo” si Zhiera

Namumula na ako non. First time ko matukso ng ganito

“Uuuuuuuuyyyyyyyyy nag bablush ang kaibigan natin” kantyaw pa nila.

“Hay ewan ko sa inyo, dyan na kayo gagawa muna ako ng assignments ko.” naglakad na ako papalayo sa kanila. Narinig ko pa yung kantyaw nila.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon