chapter 23

1.2K 37 0
                                    

Chapter 23

Glenn’s POV

Two days na lang at aalis na ako papuntang Cebu pero di ko pa rin nasasabi kay Almira. Paano ko ba masasabi yun? Ayaw ko sya maging malungkot. First monthsary pa naman namin sa araw ng pag-alis ko. This sucks, really sucks.

Ayokong ako pa ang maging source ng kalungkutan nya sa araw na dapat Masaya kami. Anak ng tinapa talaga.

Almira’s POV

Nakita ko si Glenn na nakaupo sa sofa. Sobrang lalim yata ng iniisip ng daddy ko tulalei na tulalei eh. Nilapitan ko sya.

“Ui” di sya umiimik

“ui” wala pa rin

“hoi” nilakasan ko ng bongga para marinig nya

Lumingon sya na parang naiirita. “bakit ka ba sumisigaw?” sabi nya.

“Ang bingi mo kasi. Ilang beses ka ng tinatawag hindi mo naman iniintindi. Ang pupu mo”

“Ano? Ang pupu ko?”

“Narinig mo naman pala magtatanong ka pa.”

“Tsssss.”

“Ano ba kasing problema at tulala ka dyan?”

“Wala” sabi nya.

Hindi magaling na artista si Glenn halata namang meron eh.

“Halata namang meron dadie ko, sabihin mo na kasi sa akin. Promise I will understand it.”

Bumuntong hininga muna sya.

“Punta akong Cebu.”

Nagulat ako. Ano? Aalis sya? Maiiwan ako?  Pero as I promise I will try to understand kung bakit nya kailangang pumunta don.

“Huh, anong gagawin mo dun?”

“Dun kasi ang practical exam na gagawin namin. I need to be there para makagraduate ako.”

Yun naman pala okey lang. mabilis lang naman siguro.

“Ilang araw ka ba dun?”

“3 weeks”

Ano? Halos isang buwan. Mamimiss ko sya non.  Pero hindi ko naman hahayaan na masira ang future nya dahil lang sa mamimiss ko sya. Kaya papayagan ko syang umalis. Teka kailan ba sya aalis?”

“Eh kailan ka ba aalis?”

“Two days from now on”

Ano aalis sya sa araw ng first monthsary namin. Gusto kong magtampo, maiyak at magalit. First monthsary namin yun, special na araw para sa amin ang araw nay un pero wala sya? Anong magagawa ko hindi pwedeng sarili ko lang ang isipin ko. I will allow him to go there para yun sa future nya.

“Okay lang ba sa iyo yun mamie ko? First monsary nati yun? Kung hindi ka naman magiging okay kapag wala ako dito. Hindi na alang ako pupunta dun.”

“Ano ka ba Okay lang yun dadie ko. Magiging okay lang ako. Three weeks lang naman di ba? At tungkol dun sa monthsary okay lang yun may next time pa naman. Okay lang kahit di na natin masyadong icelebrate yung monthsary natin dahil araw-araw mo naman akong mamahalin di ba? Araw araw din naman kitang minamahal kaya okay lang.”

Bigla nya akong niyakap “Salamat mamie ko”

Niyakap ko rin ng sya mahigpit. Numero lang naman sa kalendaryo ang monthsary namin, ang mahalaga sa bawat araw na daraan mahal pa rin namin ang isa’t isa. Sapat na yun para sa akin.

Before umalis si Glenn…

Tinulungan ko si dadie ko na mag-empake ng mga gamit nya, nakakalungkot pero kailangan eh. Bukas na sya aalis. Mag-iisa na ako dito sa bahay. Nakakalungkot pala kapag nasanay ka na sa presensya ng isang tao tapos bigla syang aalis.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon