chapter 11

1.8K 34 0
                                    

Chapter 11

Almira’s POV

Late na late na talaga ako. Naligo nga lang ata ako for 10 minutes eh.bilis no? Nagbihis na ako ng uniform nagsuklay at nagready na para tumakbo palabas. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Ganito pala ang pakiramdam ng uminom. Pesteng alak naman oh. Isinusumpa ko hinding hindi na ako iinom ng alak kahit kailan.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto kumirot pa lalo yung ulo ko. “Aw ang sakit” hinawakan ko yung sintido ko. Nakapikit ako nun at may narinig akong may prumeno sa harapan ko na sasakyan. Minulat ko yung mata ko and dandararan si Simang with his wheels. Nakasakay sya sa bisekleta nya. Oh akala nyo kung anung wheels na no?

“Sakay na.”

Dahil masakit ang ulo ko sumakay na ako sa likod. Alam nyo naman yung bisekleta sa likod dun ako naupo.

Kaya lang pano ako kakapit. Nakakahiya naman kung aakap ako kay Glenn. >.<

“Oi ano na? Ang bagal bagal naman oh”

“ah.. eh.. ano kasi.”

Tinaasan nya ako ng kilay. Tapos kinuha nya yung kamay ko at iiniakap sa kanya. napatanga naman ako sa kanya. Feel na Feel ko yung abs niya nakakatulo laway talaga. Its an opportunity talaga sa isang panget na tulad ko.

 “Hoy baka matunaw ako. Nakanganga ka pa dyan baka pasukan yan ng langaw”

Sorry naman no. Nabigla kaya ako. Sa tanang existence ko sa earth madalang ako makahipo ng abs actually pangalawang beses pa nga lang eh first eh nung hingit nya ako at accidentally napaupo ako sa lap nya at accidentally ko rin nahawakan yung abs nya

.

“Ha.. ok na.. Sige na go na. Drive the car na. Hehehehe.”

Nagsimula na siyang magbisekleta. Lalo namang napahigpit yung kapit ko sa bewang niya kasi baka mahulog ako. Heaven ang feeling. Nahahawakan ko ang abs niya. hahaha. Para mawala ang kamanyakan ko sa utak kinausap ko na lang sya.

“Simang anong course mo?”

“Med student ako.”

“Ah ganun ba? Sabihin mo sa akin kung saan ka magtratrabahong hospital ah”

“Bakit naman?”

“Hindi ako dun magpapatingin kasi baka lalo akong mamatay hahahaha.”

“Sa tingin mo talaga hindi ako magiging magaling na doctor?” bakit parang nalungkot yung boses nya.

“Joke lang ano ka ba? Ang galing galing mo kaya. Ang tataas ng mga nakukuha mong grades. Kung ako ang magulang mo tsak na proud na proud ako.”

Hindi na umimik pa si Glenn. Pero feel ko sa aura nya ang pagiging Masaya. Baliw na siguro to kanina lang ang lungkot nya tapos ngayon ang saya na.

Nakatitig lang ako sa likod nya. Amoy na amoy ko yung pabango nya. Ang macho nga ng amoy nya eh. Ahahaha. Napapikit ako pa ko dun para mafeel ko ang pag-amoy sa kanya. Ahm bango bango talaga.

Glenn’s POV

Humigpit yung kapit sa akin ni Almira nong magsimula akong magbisekleta. Bakit ganon bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ako mapakili. Parang lalabas yung puso ko sa sobrang pagtibok. Masaya din ako na parang ewan. Hindi ko maiintindihan yung feeling ko. Parang kinakabahan sa bilis ng pagpintig yung puso ko pero Masaya ako. Ang weird naman ng nararamdaman. Abnormal na ba ako? Tsk wag naman sana sa gwapo kong to. (ano naman kayang konek. hahahaha)

Tahimik lang kame pareho.

Wala naman kasi talaga kaming pag-uusapan eh hehehe. Ilang minuto kameng ganon. Pero nagsalita rin sa Almira.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon