Chapter 20
Almira’s POV
Hay salamat lunch na. Super dinugo ang utak, ilong at tenga ko dahil sunod sunod na subject na puro may math ang pag-aaralan mo plus bawal ka pa magtagalog kapag ieexplain mo yung answer mo.
Nandito kame ngayon ng barkada ko sa canteen. Tapos narinig ko nanagsalita si Charice “Oi anu yung naririnig ko na may date ka daw with Glenn?”
“Whoah. Is that true?” sabay sabay na sabi nung iba ko pang barkada.
“hehehehe. Oo. ”
“Ihhhhhhh. Talaga? So Saya. Guys kelangan natin pagandahin tong si Almira” sabi ni Zhierra.
“Sanga pala guys. Kame na rin ni Glenn. Kagabi lang. hehehe
“Ihhhhhhhhhhh. Kinikilig ako kay Almira. Akalaain nyo yun. Kahit ang tagal nya bago magkaboyfriend bongga naman ang nabingwit nya. Ahahaha. Im so happy for you.” Sabi naman ni Zaira.
“Oo nga. Worth it talaga ang paghihintay mo.” Sabi naman ni Jessica.
Sobrang saya ko talaga. Akala ko sasabihan nila ako ng malandi dahil wala namang ligaw ligaw na nangyari pero naging kame.
Nauna akong umalis sa canteen kesa sa iba kong barkada. May report kasi ako kaya kelangan ko pang dumaan sa library. Habang naglalakad ako papunta doon nakita ko sa corridor si Lucas. Hindi nga pala sya pumasok kanina.
Lumapit sya sa akin. “Hey”. Tapos inakbayan nya ako. Nagtinginan na naman yung mga student sa akin. Sa amin. Ano ka ba naman Lucas dahil sa ginawa mo Tsak na may sinasabi na naman yang mga yan sa utak nila.
Buti na lang malapit na kami sa Library kaya pumasok na kami don. Salamat at wala na yung mga tingin dun sa labas.
Nag-usap na kami with a low voice. Magagalit kasi yung librarian kapag nag ingay kame.
“Oi bakit di ka pumasok kanina. May Problema ba?” nag aalala din naman ako sa mokong nito. Bukod na sya ang bestfriend ng boyfriend ko. Kaibigan ko na rin naman talaga sya.
“Tinatamad ako eh. hehehe”
“Hay. Akala ko pa naman kung ano na nanyari sayo. Nag-alala ako sayo no.”
Lucas POV
Nakakatuwa na may nag-aalala pa rin sa akin. Lalo tuloy naging espesyal sa akin si Almira.
Kung hindi ko pa alam. Hindi naman talaga ako pinatapon dito ng magulang ko hindi dahil sa gusto nila akong patinuin dahil alam ko ikinahihiya nila ako. Pulitiko ang daddy ko. Hindi nya hahayaang masira ang pangalan nya dahil may anak sya na napariwara sa buhay. Madami dami din kasi akong kalokohang nagawa simula nong nagbreak kami ng Girlfriend ko. Akala ko kasi masusulusyunan ko lahat ng problema ko kapag ginawa ko yung mga yun. Hindi ko nasasabihin kung ano ano un kasi mabobore lang kayo sa sobrang dami basta lahat ng yun ikinasira ng buhay ko.
Akalain nyo yun naging dahilan yun para ipatapon ako ng dad ko dito. Samantalang dati sobrang pinagmamalaki nya ako. Hahaha. Yung mommy ko naman laging kampi sa daddy ko. Lahat ng gusto ni Dad sinusunod lang ni Mom.
Hindi man lang nila ako tinanong kung bakit ba ako nagkaganon. Wala naman silang pakiaalam sa akin yung pangalan lang talaga nila ang pinoprotekahan nila.
“Ok lang ako” sabi ko tapos ginulo ko yung buhok nya.
“Ano ba yan gulo na nga yung buhok ko lalo mo pang ginugulo.”
Nginitian ko sya. “May assignment ka na ba sa finance? Pakopya naman”
“Hay ang tamad mo talaga. Sige na nga. Baka pagnapagalitan ka ako pa sisihin mo.”
BINABASA MO ANG
UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)
Документальная прозаIniisip mo ba na pangit ka dahil walang magtangkang manligaw sayo? Kung hindi, ako OO. I am Almira Sanchez 19, never been touch never been kiss, hindi ko alam kung bakit. Kung sabagay masasabi ko ba na maganda ako kung sarili kong nanay hindi makasa...