chapter 32

1.4K 29 0
                                    

Chapter 32

Almira’s POV

Dahil nga sa kaengotan ko nandito ako sa may hospital.

For further test daw magstay ako ng mga two days pa dito.

Pinapayagan naman akong magpunta sa garden.

Si Lucas di yon makakapunta ngayon dito kasi may klase yun.

Si mama umalis sandali kasi may ipinabibili na gamot yung doctor.

Nandito ako ngayon sa may bench.

Hawak hawak ko yung tyan ko.

Ang likot likot talaga ng tatlong to.

Galaw ng galaw eh.

Pero sa tuwing gumagalaw sila ang saya saya ko kasi alam kong buhay sila.

Napatingin ako sa matandang katabi ko.

Nakatingin lang sya sa malayo.

Bakit pati wala syang kasama.

Tumingin yung matanda sa direksyon ko.

At dahil dun huling huli na nakatingin ako.

Kakahiya talaga.

Pero hindi sya nagalit.

Nginitian nga ako eh.

Cyempre gumanti ako ng ngiti.

Dahil sa likas akong madaldal di ko napigilan yung sarili ko na magtanong.

“Ahm sir, sino po ang kasama nyo dito?” ~ako

Nginitian nya ulit ako. Parang may kahawig sya. “Wala akong kasama hija.”

“ha? Bakit po? Hindi po ba kayo nahihirapan?”

“Hindi ko kasi sinabi sa pamilya ko dahil ayokong mag-alala pa sila. They are also busy with their own life.” ~Lolo

“Pero kahit na po. Mahirap ang walang kasama dito.” ~ako

Tumingin sya sa malayo “You know what hija, nahihiya rin ako sa kanila eh. I think hindi ako naging mabuting ama sa kanila kaya wala akong karapatang humingi sa kanila ngayon ng tulong.”

“Ahm pero kahit ano pong mangyari kayo pa din ang tatay nila. Hindi nila mababago yun.”

Nginitian nya lang ako.

“Eh ano pong sakit nyo?” ~ako

“Nagkaron lang ako ng hypertension dahil sa stress at pagod.” ~lolo

“Ay ganun po ba. mag-inggat na lang po kayo sa susunod.” ~ako

“Salamat sa concern hija. Tsaka huwag mo na akong tawaging sir, Lolo Ernest.”

“Sige po. Lolo Ernest. Tawagin nyo na lang po akong Almira” ~ako

“ Eh ikaw sino kasama mo?” ~lolo

“Mama ko po” ~ako

“Di ba dapat asawa mo ang kasama mo?” ~lolo

“Ahm masakit man pong sabihin ayaw na po sa akin ng ama nila.” ~ako.

Sumakit na naman ang puso ko dahil dun.

Nakakainis. Kelan ba ako makakamove on?

Gumalaw yung babies sa tyan ko. As if they were saying na wag akong malungkot.

Ang babies ko talaga they know how to comfort me.

“Hindi nya alam kung ano ang pinakawalan nya.” ~lolo

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon