chapter 14

1.5K 36 1
                                    

Chapter 14

Almira’s POV

Isang linggo na kameng nakatira ni Simang sa apartment nya. Pumayag naman ang mga magulang ko sa ganong set-up dahil yun na lang daw ang pinakamadaling solusyon para sa problema namin. Kinausap pa nga nila si Simang. Hindi ko alam pero may tiwala agad ang parents ko sa kanya.

Sa pagtira ko don sa apartment nya. Unti-unti kong nakikita yung tunay na Glenn. Hindi naman pala sya ganun kasungit. Ang totoo may pag kaisip bata pa pala sya.

Nong naglalaba nga kame ng mga damit namin. Akalain nyo ba namang basain ako gamit ang hose. Syempre gaganti ako sa kanya kaya ayun natapos kame ng paglalaba ng basang basa rin.

Nung isang araw naman naghabulan kame sa loob ng bahay dahil ang damot nya. Ayaw nya kasi mamigay ng magnum na ice cream. Ang damot nya ayaw nya ko bigyan. L

Aaminin ko sa inyo may ibang bagay pa kung bakit enjoy na enjoy ako sa pagtira ko dito. Kasi alam nyo para kaming bagong kasal ni Simang. >/////< kinikilig ako. Hahaha. Tuwing umaga kasi sya yung una kong nakikita.

Tapos ipaghahanda ko s’ya ng pagkain para sa almusal. Kung minsan rin ako ang gumigising sa kanya. Para nga syang bata kapag ginigising eh. Alam nyo yun yung tulad ng elementary student na tinatamad pumasok. Hindi ko akalain na may ganoon pala syang side.

Kung minsan naman kapag ginagabi sya sa pag-aaral ipinaghahanda ko sya ng pagkain para hindi sya magutom. Kung minsan sabay kameng nag-aaral. Ang saya nga eh. kapag hindi ko alam yung mga tanong sa mga assignments ko sya ang sumasagot. Grabe pala talaga tong si Simang para syang walking encyclopedia sa dami ng alam nya. Dahil dun lalong tumitindi ang paghanga ko sa kanya. crush na crush ko na talaga sya. Hahaha.

Glenn’s POV

Isang linggo na kameng magkasama ni Almira. Hindi ko akalaing sasaya ako ng ganito na kasama sya. Bukod kay Lucas si Almira ang naging kaclose ko ng ganito.

Habang tumatagal lalo ko syang nagugustuhan. Sa kanya ko lang naipapakita kung ano at sino ako. Sa bahay kasi namin denumero ang pwede kong ipakita dahil sa sasabihin sa akin ng papa ko.

Hay sana lagi na lang ganito. Lagi akong Masaya.

“Gleeeeennnnnn”

Hay sumisigaw na naman ang babaeng yun.

Lumabas na ako ng kwarto. “Bakit ka ba sumisigaw?”

“Late na kaya tayo”

Oo nga pala parehas kaming 8am ang start ng klase.

“Eto na nga oh.” Pumunta na kame parehas sa bisekleta ko. Sumakay na ko dun at sya naman ay sumakay na dun sa likod. Ganito lagi kami tuwing umaga. Ito ang pinakagusto kong parte ng araw. Gusto ko kasi yung pakiramdam ko habang nakayakap sya sa bewang ko.

Sa ilang saglit lang eh nasa school na kame.

“Bye Simang”

Tumango lang ako. Tumalikod na sya. Tinawag nya ulit ako. “Simang”

Nilingon ko sya. “Galingan mo sa exam mo ah” sabi nya sa akin ng nakangiti tapos tumakbo na sya palayo.

Nakita ko na naman yung ngiti nyang yun. Kumpleto na ang araw ko. J Alam ko para na akong babae pero anong magagawa ko eh yon ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko sya.

Almira’s POV

Tumatakbo ako papunta sa classroom ko. Alam nyo kung bakit? Wala lang trip ko lang. hahaha. Masaya lang talaga ako. Kumpleto na ang araw ko dahil parang naakap ko na ang crush ko. hahahaha. Eto ang gusto ko sa umaga. Kung dati wala akong ganang pumasok ngayon sa tuwing maiisip ko na mayayakap ko ang crush ko nagkakaron ako ng motivation para pumasok. Hahaha.

 Kanina ko pa nanapapansin ang daming tumitingin sa akin. Tapos kada dadaan ako ang daming nagbubulungan.

Hindi ko na lang pinasin yung mga tingin nila.

Pagkapasok ko, lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin. Bakit anong meron?

“Ui.. Anong meron? Bakit nyo ko tiningnan ng ganyan?”

Walang sumasagot.

Hinigit ako ni Zhierra at pinaupo sa armchair na may nakapatong na laptop.

“Anong gagawin ko dito?” sabi ko

“Eh kung binabas mo kaya”

Binasa ko sya. At halos maghiwalay yung panga ko sa pagkabigla.

“Totoo ba yan Al?” si Jessica

“Nakakatampo ka alam mo yun? Hindi mo man lang sinabe” si Charice

“Hoy Al, isara mo nga yang bibig mo bakit ka ba nakanganga dyan.?” si ZAira. Sorry naman hindi lang talaga kinaya ng powers ko. Sasabihin ko na kung ano ang nabasa ko. Nasa underground site ba naman ng school namen na mag live in partner daw kame ni Simang.

“Explain this” sabi ni Jessica

“Walang katotohanan to”

“Ipaliwanag mo nga yang mga pictures na magkasama kayo”

“At saka hindi lang namin pinapansin, Kaya pala laging nakaangkas ka sa bisekleta ni Glenn.” Si Charice

“Nakakatampo ka alam mo yun? hindi mo man lang sinasabi sa amin na ganyan na ang nangyayari sa buhay mo.” Si Zhierra

Dahil nakakatakot na ang mga tingin ng mga kaibigan ko. napagdesisyunan ko nang sabihin ang totoo sa kanila.

“Ang totoo.. nagmalasakit lang si Glenn. Dahil pinalayas na ako sa apartment ko”

“WHAT” sabay sabay nilang sabi

“Ang OA nyo alam nyo yun?”

“Eh paano ba namang hindi kami magrereact ng ganito? Binigla mo kame. Hindi mo man lang sinbi sa amin.” Si Zaira

“Sorry ayaw ko lang talagang mag-alala kayo.”

“Ano ka ba? kaibigan mo kame. Dapat sinasabi mo sa amin ang problema mo para madamayan ka namin” Si Jessica

“Salamat sa inyo. Promise sasabihin ko na sa inyo pag may problema ako”

I am very thankful dahil may kaibigan akong tulad nila.

“Hindi na kita yayain na makituloy sa bahay namin kasi alam ko naman na enjoy na enjoy ka sa pagtira mo kasama si Glenn. hahahahahahaha” sabi ni Zaira tapos nakitawa naman yung iba ko pang kabarkada.

“Magtigil nga kayo” nag-eenjoy naman talaga ako. Kaso ayaw ko aminin kakanchawan lang ako ng mga yan.

“ASHUUUUU. Deep inside kinikilig na yan” sabi naman ni Jessica.

“Che, bahala kayo sa buhay nyo”

Buti na lang at dumating na yung professor namin. Tumigil na rin yung pangungulit ng mga kabarkada ko.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon