chapter 5

2.1K 45 2
                                    

Chapter 5

Almira’s POV

Ang bigat naman ng mga dala ko. Galing akong bookstore bumili ako ng mga materials para sa project ko. I mean group project namen.

Letchugas yung mga groupmates ko eh. Iniwan na lang ako basta. May dumating daw kasing artista dun sa mall ayun tumakbo dun ang mga walang hiya at iniwan ako.

T.T dahil ako ang group leader ako ang tumapos mamili nung mga kailangan namin. Ang ba bad talaga nila. 3 malalaking plastic bag kaya to. Sobrang nanakit na ang likod ko kabubuhat nitong letcheng plastic bag na to.

Naiiyak na ko ang layo pa ng pinto ng apartment ko. huhuhuhu.

Ibinaba ko muna yung plastic bag. Hinilot ko yung balakang ko. Ang sakit sakit na kasi talaga eh. Nagulat ako nung biglang may dumampot nung malalaking plastic bag at dinala dun sa may apartment ko. Aba may tinatagong kabaitan pala tong lalaking to. Oo si Simang nagdala ng mga plastic bags “Simang” short for simangot. Lagi kasi nakasimangot. Hahahaha. Kaso sinigawan na naman niya ako.

 “Tatayo ka na lang ba d’yan?” Tumakbo ako palapit dun kay Simang. “Thank you” sabi ko na nakangiti.

“Akala mo ba nakalimutan ko na ang sinabi mo tungkol sa akin?” sabi nya sabay punta sa apartment niya.

Oh oh. Naaalala pa pala niya yung mga pinagsasabi ko nun. Kailangan talaga makapagsorry ako. Ok aaminin ko na kasalanan ko yun lahat. Hayyy

Glenn’s POV

Hay ang sama ng pakiramdam ko kaya umuwi na ko.

May nakita akong babae na maraming dalang plastic bag. Actually tatlo lang eh. Pero more than one is many naman di ba? Ah eto ba yung madaldal na babae na kung ano pinagsasabi tungkol sa akin. Tutulungan ko ba to? Mukhang hirap na hirap eh.

Nakita kong ibinaba niya muna plastic bags tapos hinilot nya yung balakang niya. mukang mabigat nga yung dala niya. hay dahil mabait akong bata tutulungan ko siya. Binuhat ko na yung mga plastic bag. Tapos nakita kong di pa rin sya umaalis dun sa tayo niya.

“Tatayo ka na lang ba d’yan?” sabi ko na nakasimangot. Tumakbo naman siya palapit sa akin. “Thank you” sabi niya sa akin ng nakangiti. Whoa ang cute niya. Pero di ko pa din nakakalimutan yung mga sinabi niy tungkol sa akin kaya kahit cute ka galit pa din ako sa kanya.

“Akala mo ba nakalimutan ko na ang sinabi mo tungkol sa akin?” yun na lang sinabi ko. tapos sinimangutan ko siya. Nakakainis kaya yung sinabi nya. First time ever na may nagsabi sa akin ng ganon. Pumasok na ko sa apartment ko. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko.

UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon