Chapter 12
Almira’s POV
Nakita kong papalayo na si Glenn.
Napatanga ako sa sinabi ni Glenn did he just said that I am beautiful? Ow sheet ang saya ko. Ang sarap pala sa feeling kapag pinuri ka ng taong akala mo na kahit kailan ang alam lang eh asarin ka.
Hahaha maganda pala ako sa paningin nya. >.< Hindi talaga ako makapaniwala. Wala naman sigurong halong biro yun ano? Seryoso naman yung mukha nya nung sinabi nya yun. I am so happy talaga. Kumpleto na ang araw ko.
Bumalik na ako ng building ko. At hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Second subject na ang inabuutan ko kasi nga tanghali na ako nagising kanina. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang pinto. May humigit na agad sa akin at iniupo ako sa isang vacant sit. Mga kaibigan ko lang pala. Natakot ako don ah. Matapos kong masaksihan ang mga pangyayari kanina hindi na ako magtataka kung biglang may hihigit at sasabunot sa akin.
“So my idenedate ka na pala?” si Jessica
“Anong date date ang pinagsasabi nyo?” baliw na talaga tong mga kaibigan ko. Wala ngang magkamali sa akin eh.
“Umamin ka na kasi sa amin eh inihatid ka pa nga daw ni Glenn eh” si Charice
“Pano nyo nalaman na si Glenn yun? hindi nyo naman kakilala yun.”
“Hello. Sang planeta ka ba galing sikat kaya sya. Sya ang nagtop nung nagentrance exam sya. Sobrang talino kaya nun. He is known as Mr. Perfect. He excel in what ever he do.”
Sorry naman. Hindi kasi ako interesado sa ganyang mga bagay. So sikat pala si Simang.
“Hindi ako inihatid non ano. Isinakay lang ako sa bisekleta nya kasi masakit lang ang ulo ko at tsaka late na late na ko kanina”
“At bakit masakit ang ulo mo?” si Zhierra naman ang sumabat. Sasabihin ko ba sa kanila yung nangayari. Sige na nga sasabihin ko. Tutal ayoko din naman naglilihim sa kanila so ayon kinuwento ko lahat lahat mula sa simula tinanggal ko lang yung sinabihan ako ng maganda ni Glenn. Matapos kong makwento yun hindi ko maipaliwanag ang mga ngiti ng mga kaibigan ko.
“So marunong ka na pala ngayong uminom?” sabi ni Zaira
“Hay sinabi ko na sa inyo na aksidente lang yun”
“Marunong ka na rin pala ngayong makitulog sa ibang bahay.” Sabi naman ni Charice
“At higit sa lahat lumalablayp na ang kaibigan natin. Hahaha” sabi naman ni Jessica
“Sa wakas naman magkakaboyfriend ka na” sabi ni Zhierra. Wala na talaga sa katinuan ang mga kaibigan ko basta ba inihatid ka, boyfriend na agad.
“I think we should talk to this guy. Aba sya lang ang naglakas ng loob na lumapit dito sa kaibigan natin.” Sabi ulit ni Jessica
“Huwag nga kayong ganyan. Magkaibigan nga lang kame non.”
“Sus ang showbiz ng sagot mo.” Sabat naman ni Zhierra. “Basta we need to talk to this guy”
“Bahala kayo. Baka ngayon nga lang tong hatid hatid thingy nato eh.”
“Eh bakit parang malungkot ka na ito na ang huling beses na ihahatid ka nya. hahahaha” si Charice
“Ewan ko sa inyo” napaka-ewan talaga ng ugali ng mga kaibigan ko.
“achuchuchu. Lumalablayp na talaga ang kaibigan natin. Hahaha” singit naman nitong si Zaira.
Buti na lang dumating na yung prof namin sa earth science kaya tumigil na yung mga kaibigan sa pangungulit sa akin at tumahimik na yung mundo ko.
Wala namang iba nangyari ngayon normal lang. nagkaron ng lectures, nagpaquiz yung terror naming teacher and yessss uwian na. Nagmamadali akong umuwi gusto kong matulog matapos ang araw na to.
SA APARTMENT KO ….
Anong nangyayari? Bakit nasa labas lahat ng gamit ko.
Lumabas galing sa loob yung may ari nung apartment. “Sige ilabas nyo lahat yan”
“Bakit nyo ho inilalabas yung mga gamit ko?”
“Aba ilang buwan ka nang hindi nakakabayad ng renta mo. Ang laki na ng lugi ko sa inyo.”
“Ho? Nagbabayad ho ang nanay ko sa inyo ah.” Mommy ko ang nagbabayad ng rent. Sya ang nagbibigay ng bayad sa may ari ng apartment every month kasi baka daw kung saan ko dalhin yung pera pero ngayon malalaman wala palang bayarang nangyayari. Kailangan kong makausap ang mommy ko.
“Anong nagbabayad? Wala ni isang kusing na ibinibigay ang nanay mo sa akin. Ilang buwan na rin.”
“Ho? Eh pwede ho bang wag nyo muna ako paalisin. Magagabi na ho kasi eh”
“Sorry hija pero hindi kita mapagbibigyan. Sige aalis na ako.”
Napatulo na yung luha ko non? Anong nangayari? Dinial ko yung number ni mommy.
Pagkatapos ng ilang ring sinagot ni mommy yung phone nya “Hello anak napatawag ka. May problema ba?”
“Ma, pinalayas na ako sa apartment ko. Ano bang nangyari Ma?”
“Sorry anak, nawalan kasi ng trabaho ang papa mo. Kaya hindi kame makapagbayad ng rent mo.”
Nabigla ako sa sinabi ni mommy. Wala na palang trabaho si papa. Clerck ang papa ko sa isang office. “Kailan pa nawalan ng trabaho si papa? mommy?”
“3 months ago na anak”
“Ma, bakit hindi nyo sinabi sa akin?”
“Sorry anak, ayaw lang namen na mag-alala ka”
“Ma naman eh”
“Anak pano ka na ngayon san ka matutulog?” yan ang pinoproblema ko ngayon tokneneng naman oh. Ayaw kong guluhin ang mga kaibigan ko.
“Ma wag na po kayo mag-alala may kaibigan naman po ako na pwedeng puntahan” pagsisisnungaling ko ayaw kong mamroblema pa si mommy. “Sige anak Ingat ka.” Dun natapos ang usapan namin ni mommy.
Napaupo na lang ako at napaiyak. Ayokong problemahin pa ako ng mga kaibigan ko dahil may problema rin sila kaya ayaw kong ipaalam pa sa kanila. Lord tulungan nyo po ako please.
“Anong ginagawa mo dyan? Para kang pulubi?” narinig ko yung boses ni Glenn. Napatunghay ako sa kanya.
“Glenn, anong gagawin ko? Wala na akong titirahan? Umiiyak na ako nun. Pano na ako. Pano na pag-aaral ko? huhuhuhu.
“Pumasok na nga muna tayo sa apartment ko. Para kang tanga dyan eh.”
BINABASA MO ANG
UGLY DUCKLING MEETS MR. PERFECT (Completed)
Non-FictionIniisip mo ba na pangit ka dahil walang magtangkang manligaw sayo? Kung hindi, ako OO. I am Almira Sanchez 19, never been touch never been kiss, hindi ko alam kung bakit. Kung sabagay masasabi ko ba na maganda ako kung sarili kong nanay hindi makasa...