Chapter 1 The Proposal

593 4 2
                                    

"Hoy Drew! Cge ka! Ano? Papayag ka na? Please." Halos limang munuto ko nang hinihintay ang sagot nya. Ang gwapo nya talaga. Since kinder ko na sya crush. Sabi ni Mama eh puppy love lang daw yon pero hindi eh.. Basta sya na yong true love/prince charming/talisman ko.

"F-FINE! Basta, tapusin mo 'to. Bukas na bukas na ah? Gets mo? Matalino ka diba? Nasa First section ka diba? Arrrgh!" Yes! Sa wakas! Victory's mine. Oh my ang saya saya ko talaga.

"O cge ba! Gagawin ko rin lahat ng assignment mo sa biology at tsaka algebra!" Nakita kong nakangiti sya sakin. Tama na drew!! Kinikilig na talaga ako.

"Yan! Yan ang gusto ko sayo Alexa!" Pwede bang mahal na lang, Drew? Kailangan ko nang sabihin ang huling kondisyon ko sa kanya!

"Pero sa isang kondisyon? Hindi ka sasagot ng hindi. Okay?" Huminga ako nang malalim. Sana pumayag siya.

"Natatakot ako sa mga kondisyon mong babae ka! O cge! Ano?" This is it! This is it!!!!! Aaaaah kumakabog na yung dibdib ko sa tuwa.

Napabuntong hininga ako.. Kinakabahan ako. Kinikilig rin. "O cge! Wala nang bawian! Ako yung magiging.." Ito na!!

"Ano?"

"GIRLFRIEND MO AT IKAW NA RIN YONG BOYFRIEND KO! OKAY HA? WALA NANG BAWIAN! I LOVE YOU DREW!" Alam kong sinigawan ko sya. Oo eh sa kinakabahan ako eh. Tumakbo ako papalayo sa kanya at narinig kong tumawa sya kaya napatigil ako at hinarap sya. Ansyet ang gwapo.

"Napaka ulol mo talaga! O cge! Kunin mo yung assignment notebook ko sa algebra at biology.  Dapat  alas otse ng umaga, bukas.. andito na lahat.  Pag hindi mo nagawa, break na tayo." Tumatawa pa rin sya. Oo, ako na ang baliw. Kinuha ko yung bag nya at binuksan, grabe andaming damit parang naglayas. Nakita ko yung dalawang notebook nya at agad yon niyakap.. Nakita kaya nya?

"Hindi tayo magbebreak no? Ano ako? Gaga? O cge. Goodbye less than three. Mwaaah!" Ngumiti ako sa kanya at tuluyan ng tumakbo. Kailangan ko itong ikwento kay Kuya!!!!! Ang saya saya ko talaga ngayong araw nato. Thank you Jesus!! You're the best!!

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon