Chapter 7 Caterpillars falling from the sky

114 2 1
                                    

********

Halos madapa na ako sa kakasunod sa kanila, pero binalewala ko na lang iyon, ang importante eh, masundan ko sila. Dapat hindi memorable yung date nila.. No, dapat pala memorable. Oh, and for the nth time, I am so sorry Drew my love.

"Hay, ano ba yan!" Napatingin ako sa babaeng sinigawan ako. Oops, naapakan ko yung paa niya sa sobrang bilis kong maglakad.

Kailangan ko talagang sundan sila eh. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng pesteng babaeng yon! Baka i-seseduce nya si Drew at baka shet, itigil mo na nga yan Alexa!!!

"Hey! Pwede ban- argh! Yung sapatos ko!!" Lumayo na ako sa babae, natatakot ako sa pwede nyang gawin sa akin eh warfreak yung mukha.

Tumigil sina Drew sa isang stall ng fishballs, ang sosyal. Hahay, ako pa sa kanila eh mag-iisaw na lang ako sa kabilang kanto. Ang sarap pa non at tsaka mura, makakatipid kaming Drew. Magtitipid ako para sa mga anak namin. Hay, ang sarap siguro ng buhay ko pag nangyari yon.

Lumapit ako sa kanila at bumili na rin ng fishball kahit limang piso yung isa. Dalawa lang yong binili ko, nagtitipid ako for future purposes, syempre! Kasali na yung para sa kinabukasan naming dalawa ni my loves.. mehehe!!

 "D-dalawa po." Tinatakpan ko yung mukha kasi malapit lang ako sa kanila, 1 inch away. Sht, ang bango ni Drew!! Nakakainlove.

Bigla akong kinabahan kasi bigla akong tinabihan ni Drew, argh shet yung boses ko.. Baka nahalata niya. Tsk! Yung palda.. Yung uniform!! No!!

"Ah, dalawa ba kamo?" Tumango ako kay Kuya Fishball.

"O-opo" iniba ko yung boses ko, yung parang kay mahal. Bahala na!

Nasarapan ako sa fishball, kaya pala ang mahal. Pero mas masarap si Drew, ha? Ano? No, Alexa. Pero totoo nga, ang bango niya talaga.. Hay.

"Beh, doon tayo sa park." Bigla kong naiyukom yung palad ko. Gusto ko na talagang itapon sa Pasig River ang babaeng ito!! Nakakainis!! Kala mo, maganda eh mas maganda naman ako eh. Maputi nga lang siya. Porket maputi, Maganda na kaagad?!!!! Tsk!

"Sure." Ang ganda talaga ng boses niya. Gusto ko na talagang mahimatay! Drew my love, magiging akin ka rin balang araw.

Nag stay muna ako ng 5 limang minuto sa stall ng fishball para hindi nila mahalata na sinusundan ko na pala sila. Di ko na rin napansin yung oras, ang alam ko eh gabi na.

Umupo sila sa may bench eh ako nasa likod lang nila.. Gusto kong makinig sa kanila, sa kalandian ng pesteng yan at kay Drew my loves.

"Beh, alam mo kahapon eh hindi na ako nakabili ng Louis Vitton, limited stocks lang kasi eh, beautiful pa naman. Hay." Ano ba yan!

Yes, si Tiffany po ay mayaman, spoiled brat pweh! Butiki, aswang, halimaw, yung mukha niya eh parang nabubulok na basura!! Sobrang yabang! Sarap itapon!

Ngumiti si Drew sa kanya, pero di ko masyadong nakikita.. parang napipilitan lang siya. Yes! Ganyan dapat Drew!!

"Beh, punta naman tayo minsan sa bahay niyo. Okay? We shall hang out there with your family. Ang sayo non diba? And after that, matutulog tayo sa kwarto mo."

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko na yung ballpen sa bulsa ng palda ng uniporme ko. Gusto ko nang tusukin ang pagmumukha ng halimaw!!!! Sht!!!! Pero binalik ko kaagad baka hindi na ako makapagpigil.

Ngumiti na naman si Drew sa kanya, sana sa akin. Nakakatunaw talaga ang mga ngiti niya. Drew!!!!!!!!!!!!

"Beh, maganda diba ako? Sabi mo sa akin nung niligawan mo ko. Hanggang ngayon ba?" I bite my lower lip, di ko na napansin na dumudugo na pala yon.

Nung nililigawan siya, naiinggit ako kay Tiffany.. Kasi niligawan siya ni Drew. Ako? Ako yung nanligaw sa kanya. Sana no, sa susunod.. Matutuloy na yung date namin para the feeling is mutual na. Pero yung maganda? Urgh

"Parang ka ngang halimaw eh." Agad kong tinakpan yung bibig ko. Nagtago ako. Oh God, sana hindi nila ako makita o sana hindi nila narinig yung sabi ko!!!!

"Beh, ano yung halimaw, ikaw ba ang nagsabi non? May narinig ka ba? May narinig kasi ako eh, yung halimaw raw." Nakita kong umiling si Drew pero nakangiti siya.

Umakyat ako sa isang puno malapit rin sa kanila. Buti na nga lang hindi nila talaga ako napansin. Malandi ang babaeng ito at alam kong may gagawin pa siya kaya uunahan ko na.

"Nevermind na nga lang, beh, its getting dark." Nag cross yung legs ng gaga na parang pinapakita yung legs sa kay Drew. Yucks, kadiri. 

Lumapit si Tiff kay Drew at eto naman si Drew ay hinawakan yung legs niya. Okay, sanay na ako sa kanya. May pagka pervert rin kasi ito. Non nga eh, nasaktan ako ng sobra pero ngayon hindi na masyado kasi alam kong may gagawin ako para hindi matuloy yung kiss kiss pweh.

Oh my, hahalikan na ni Drew si Tiff at eto naman si peste ay may papakit pikit pa kala mo ang ganda ng lips.

Kinuha ko yung isang dahon at viola.. Iniyugyog ko, kumuha pa ako ng tatlo pang dahon.. Para mas masaya ang buhay nila.

Caterpillars falling from the sky. Ang saya! Gusto kong tumawa kasi tumama sa lips ni Tiffany yung isang caterpillar!! Buti nga sayo!! Waaaaa

Mission accomplished.

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon