Chapter 18 Feeling sick

89 3 0
                                    

******

"Oh, Alexa! Pwede na tayong umalis dito at magkanya kanya.." Nakakalungkot isipin na nakumpleto na pala ang mga palaka. Nako, i-uuwi ko pa to sa bahay.. For sure, hindi ako tutulungan ni Kuya nito.. Ah! Hindi naman ako magpapatulong talaga sa kanya, ano sya? Sinuswerte?!

Ang swerte ko talaga ngayon.. Ang lambot ng lips niya. Eh lips ko kaya? Malambot din kaya nung nahalikan niya? Eeeeeh.. Nako, tumigil ka nga Alexa!!

"Oh, ito na!" Binigay niya sa akin yung basket. Ngumiti ako sa kanya pero siya? Parang nahihiya pa siya sa ano.. yung kanina. Dapat nga masanay na siya! Nako, Alexa

"A-ah.. Yung kanin-"

"Just forget it! Mag commute ka na lang. Aalis na ako." W-ait, ano raw?!

"T-teka lang Drew.. Di ko alam ang lugar.. D-di ko nga rin alam kung san ako sasakay.. D-drew naman!!!" Huwag ka namang ganyan. Please.

Tumalikod na siya sa akin at tuluyan ng umalis.. Naglakad na siya patungo sa isang lote na kung saan nya don pinark yung kotse niya kanina. Hindi na ito nakakatuwa!!

"D-drew.. yung kanina, hindi ko naman sinasadya eh!! Drew naman.. Huwag mo naman akong iwan dito oh.. D-di ko yon kakayanin.." Naiiyak na ako.. Gosh!!

"Overreacting." Ang huli ko na lang nakita ay nung pumasok na siya sa kotse at tuluyan na akong iniwan..

Di ko na napigilan ang pagluha ko. Alam ko ang OA ko na.. Nababaliw na nga talaga ako sa kanya.. Pero hindi ako susuko. Mahal na mahal ko siya..

*******

Pumasok muna ako sa balcony ng bahay nila Manong Ed. Ang lakas kasi ng ulan. Wala akong payong. Naka uniporme pa naman ako ngayon!!

Kinuha ko yung cellphone ko and Tadeeng! Battery Empty.. Di ko na alam kung anong oras na. Hindi pa naman gumagabi. Siguro mga alas tres pa ng hapon ngayon. Buti na nga lang at wala kaming Filipino ngayon..

Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na sana balikan ako ni Drew dito at susunduin ako..

"Nako, Iha.." Gusto sumabog ng puso ko sa sobrang kaba ng narinig ko ang boses na yon.. S-si Lola. Yung alam yung lahat.. yung nasa mall ako at sinundan ko si Drew at si Tiffany..

Bakit andito siya? Si Fairy God Mother ba siya? Sana nga at para makauwi na ako..

"Wala ka bang payong? Oh ito, sayo na.. Nakakaawa ka kasing panoorin." Gusto kong magsalita pero parang may pumipigil sa akin.

"Malapit lang dito ang bahay ko.. Bakit ka napadpad dito?" Tumango ako sa kanya.. Bumuga ako ng hangin. Pinakinggan ko na muna yung ulan..

"S-si Drew po kasi. Nagpatulong po ako sa kanya tungkol sa project ko sa biology. Iniwan niya po ako.." Yung luha ko!!

Ngumiti ako sa kanya. "Pero huwag po kayong mag-alala, okay lang po yon sa akin. Nasanay na ho ako. Hinihintay ko lang pong tumila ang ulan at tsaka, aalis na ho ako dito.."

 Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa buhos ng ulan, malalim ang iniisip.. "Lola? Ahm. Aalis na po ako. Cge po!"

"Mag-iingat ka, Iha." Lumabas na ako kina Manong Ed at nagpaalam na ako sa kanya.. Oo, takot na takot ako kanina nang bigla siyang nagsalita pero parang nawala iyon ng ngumiti siya sa akin..

Ang mga ngiting yon, katulad kay Drew. Sa tuwing na babadtrip ako dahil sa mga school activities o di kaya ay dahil sa mga babaeng nakapalibot sa kanya, nawawala yon pag ngumingiti siya.

"Manong! Sa terminal po ng bus.." Sumakay kaagad ako at nagdasal na sana walang mangyaari sa akin pag-uwi ng bahay, sana hindi makatakas ang mga palakang andito sa loob ng basket at sana nakauwi na nang ligtas si Drew..

********

Nasa labas na ako ng bahay, halos isang oras ako nagbyahe.. Psh! Ang malas ko talaga, naiwala ko yung payong ni Lola sa bus. Di ko alam kung san ko yon nilagay, ang alam ko malapit lang sa Driver kasi may lalagyan kasi ng payong don..

Baka nga ninakaw. Hay, patawad po Lola.. No choice ako, nung pagbaba ko ng Bus, ang lakas pa ng ulan kaya ayon, tumakbo ako papuntang terminal na naman ng mga jeep papunta sa amin. Ang basa basa ko!! Pinaupo ako ni Manong Driver sa frontseat para di na makaabala sa mga pasahero.

Nako, yung bag ko! Yung notebooks ko, libro. Yung uniform ko at tsaka sapatos.. yung mga palaka? Ewan!!

May biglang tumapik sa balikat ko. Tumayo ang mga balahibo ko. "Wala ka bang payong, Alexa?" Tinignan ko yung nagsasalita sa likod ko.. Si Kuya. Tsk

Tumango ako at pumanhik papunta ng bahay. Wala pa si Mama. Kinuha ko yung susi kay Kuya at binuksan yung pinto..

"Pwede ba tayong mag-usap? A-alexa! T-teka.. Basang basa ka ah! Baka magkasakit ka nyan!" Hinabol niya ako. Pumunta ako ng kusina dahil sa nauuhaw ako. Binuksan ko ang ref at kinuha yung pitsel. Di ko nga rin alam kung bakit malamig na tubig ang iniinom ko..

Bigla niyang hinawakan ang noo ko.. "Sht! May lagnat ka!" At nagmura pa talaga. Binigay ko yung palaka sa kanya.. "O eto, hindi ako papasok bukas pero pakibigay to kay Clarisse. Diba alam mo naman kung asan yung room ko sa biology diba, Kuya?" Nakatingin lang siya sa akin.. Bahala ka nga Kuya!!

Tumalikod na ako sa kanya. Papunta na ako ng kwarto.. Iniwan ko lang yung bag ko, alam kong basang basa ang mga nasa loob non pero bahala na si Kuya, alam kong di niya ako matitiis..

Nahihilo na ako.. Nako naman! Kailangan ko pang itext si Drew na kung nakauwi na ba siya at tsaka naiinis ako sa kanya dahil sa kung hindi niya ako iniwan doon, hindi ako magkakasakit..

Nang nakatapak na ako sa may hagdan.. dumidilim na ang paligid ko.. Gumagabi na ba? Oo.. Gumagabi na nga.. Ang sakit ng ulo ko, pagod na pagod yung buong katawan ko, gusto kong magpahinga..

"K-kuya.. K-kuya.."

"Alexa!!!"

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon